Andrew Schimmer, pinasok na rin ang pagnenegosyo ng beauty products

Andrew Schimmer, pinasok na rin ang pagnenegosyo ng beauty products

- Binahagi ni Andrew Schimmer sa kanyang Facebook post na pinasok na rin niya ang pagbebenta ng beauty products

- Kasama niya sa naturang negosyo ang vlogger na si Keith Talens sa isa niyang post

- Marami naman ang nakapansin sa binahagi niyang picture na hindi kagaya sa mga pictures niya nitong nakaraan

- Kapansin-pansin na nakangiti na ito at marami sa kanyang mga followers ang masaya na nakikitang unti-unti nang nakakabangon ang aktor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasok na rin ni Andrew Schimmer ang pagbebenta ng beauty products. Sa kanyang binahaging Facebook post ay kasama niya ang vlogger na si Keith Talens.

Andrew Schimmer, pinasok na rin ang pagnenegosyo ng beauty products
Andrew Schimmer, pinasok na rin ang pagnenegosyo ng beauty products (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Kapansin-pansin na nakangiti na ito at marami sa kanyang mga followers ang masaya na nakikitang unti-unti nang nakakabangon ang aktor. Simula nang pumanaw ang kanyang partner na si Jho noong Desyembre nang nakaraang taon ay kadalasang nalulungkot at umiiyak si Andrew sa mga pictures at video.

Read also

Daily contender, nag-propose sa girlfriend habang nasa stage ng Tawag ng Tanghalan

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

Nice to see you smiling again Mr. Schimmer. I know there's something behind your smile.Basta padayon lang,para sa mga anak mo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nice to see you Smiling po . ❤️ Be strong for God is with you
We will support you all the way! God bless you wonderful heart!

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Binahagi din niya ang nakakaantig na video kung saan makikita ang bunsong anak niya kasama ang mommy nito. Base sa binahagi niyang video ay makikita ang reaksiyon ng misis niyang si Jorhomy sa pagyakap ng anak nila. Tila gusto din nito na yakapin ang bunsong anak ngunit hindi pa rin ito tuluyang nakakagalaw ng normal kaya ang ulo lamang niya ang nilapit niya sa anak. Ani Andrew, ito umano ang unang pagkakataon na ganoon ang naging reaksiyon ng kanyang misis mula nang maospital ito noong nakaraang taon.

Read also

Yorme Isko Moreno kay Angeline Quinto: "Nadali mo kami sa prank mo, Ange"

Samantala, sa isang video ay hindi napigilang maiyak ni Andrew sa mensahe ng kanyang dalawang anak na sina Andrea at Sandro Schimmer. Ito ay nang mag-guest siya sa programang "Moments" sa Net 25 na kung saan si Gladys Reyes ang host. Ayon sa mga anak niya, sana ay magpahinga din si Andrew at alagaan nito ang sarili niya para maalagaan niya ang kanilang mommy. Alam umano nila na kung makakapagsalita ang mommy nila ay gusto din nitong magpahinga din ang ama nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel