Angeline Quinto, napaiyak ang kanyang Ate Irene sa kanyang sorpresa

Angeline Quinto, napaiyak ang kanyang Ate Irene sa kanyang sorpresa

- Napagpasyahan ni Angeline Quinto na pasayahin ang kanyang kasambahay na tinatawag niyang si Ate Irene

- Sinama niya ito sa mall para mabilhan nila ng regalo ang mga mahal sa buhay ni Ate Irene

- Lingid sa kaalaman niya ay mayroon pang mas malaking regalo sa kanya si Angeline at ito ay ang binigay niyang halaga para matapos na ang pinapagawa nitong bahay

- Ani Angeline, pinagpapasalamat niya na nawala man ang kanyang Mama Bob, nanatili ang kanyang Ate Irene sa kanya para alagaan siya at ang kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinorpresa ni Angeline Quinto ang kanyang kasama sa bahay na si Ate Irene bilang pasasalamat sa siyam na taong pag-aalaga nito sa kanya. Hindi naman napigilan ni Ate Irene na maiyak matapos niyang matanggap ang pera para matapos na ang pinapagawa nitong bahay sa Bacolod.

Read also

Sarah Geronimo, hiling na makasama ang mga mahal ko sa buhay habang siya ay nabubuhay

Angeline Quinto, napaiyak ang kanyang Ate Irene sa kanyang sorpresa
Angeline Quinto, napaiyak ang kanyang Ate Irene sa kanyang sorpresa (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Unang ginawa nila ay namili ng mga regalo para sa mga mahal sa buhay ni Ate Irene. Hindi nito inasahan na bukod sa pag-shopping nila ng regalo ay bibigyan din siya ni Angeline ng pera para sa bahay nila.

Ani Angeline, pinagpapasalamat niya na nawala man ang kanyang Mama Bob, nanatili ang kanyang Ate Irene sa kanya para alagaan siya at ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Read also

Vice Ganda, nagpasalamat matapos ang magagandang reviews sa pelikula nila

Binahagi ni Angeline Quinto ang video ng kanyang pamimili ng gamit para sa kanyang dressing room. Kasama niya ang ilang mga kaibigan at ang partner niyang si Nonrev sa kanyang pamimili. Marami ang naaliw sa video ni Angeline dahil sa kanyang pakikipagkulitan at pakikipagbiruan sa mga kasamahan. Marami ang natuwa para kay Angeline dahil masaya ito sa buhay niya bilang isang ina.

Binahagi ni Angeline Quinto ang video ng kauna-unahang out-of-the country trip nila ni Nonrev Daquina. Habang nasa biyahe ay nagbahagi ang dalawa ng mga bagay-bagay tungkol sa kanilang unforgettable Christmas memories. Hindi naman napigilan ng dalawa na ma-miss ang kanilang baby na si Sylvio na naiwan sa Pilipinas. Makikita din sa video ang pagpapaunlak ni Angge sa mga Pinoy na nagpapicture sa kanya pagdating nila sa Dubai.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel