Herlene Budol, inireklamo sa Raffy Tulfo in Action ang dating manager
- Inireklamo ni Herlene Nicole Budol ang dating manager na umano ay tumanggap ng mga perang dapat ay kinita ni Herlene sa mga endorsements niya
- Sa programang Wanted sa Radyo ni Senator Raffy Tulfo, nabanggit ni Herlene na siya pa umano ang sinisingil ng dating manager
- Matagal umanong pinag-isipan ni Herlene ang hakbang na ginawa niya kaugnay sa pagrereklamo sa dating manager na naging kaibigan niya umano sa programang 'Wowowin'
- Hindi naman daw umano nakipag-usap ang tinutukoy niyang dating manager at wala umano ito sa bahay nila nang papuntahan para sana makausap sa programa ng senador
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naiyak si Herlene Nicole Budol habang binabahagi nito ang umano'y ginawa sa kanya ng dati niyang manager. Wala umano halos siyang nakuha sa mga kinita niya sa mga endorsements niya at pinapalabas pa umano ng dating manager niya na si Herlene pa ang may utang sa kanya.
Nabanggit din ni Herlene na sa kanyang bagong manager na si Wilbert Tolentino ay nakasalin sa Wikang Filipino ang kontrata para maintindihan niya ang pinirmahang kontrata.
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.
Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.
Source: KAMI.com.gh