Joey de Leon, inaming nagtampo siya kay Toni Gonzaga noon

Joey de Leon, inaming nagtampo siya kay Toni Gonzaga noon

- Sa ginanap na presscon ng MMFF movie nina Joey de Leon at Toni Gonzaga na ‘My Teacher,' naibahagi ni Joey na nagtampo siya noon kay Toni

- Ito ay noong lumipat siya sa ABS-CBN mula sa Eat Bulaga kung saan nagkatrabaho sila

- Ani Joey, sumama ang loob niya dahil aniya ay baby nila si Toni sa Eat Bulaga

- Gayunpaman, nilinaw niyang nawala din naman ang kanyang tampo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Joey de Leon na nagtampo siya noon kay Toni Gonzaga nang lumipat ito sa ABS-CBN mula sa Eat Bulaga. Sa video na naibahagi sa YouTube channel ni Vinia Vivar, nabanggit niyang si Toni ang parang baby nila sa show kaya umano sumama ang loob niya.

Joey de Leon, inaming nagtampo siya kay Toni Gonzaga noon
Joey de Leon, inaming nagtampo siya kay Toni Gonzaga noon (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Sa ginanap na presscon ng MMFF movie nina Joey de Leon at Toni Gonzaga na ‘My Teacher,' naibahagi ni Joey na nawala din naman ang kanyang pagtatampo.

Read also

Sarah at Matteo, dumalo sa birthday celebration ng kapatid ni Mommy Divine

“Baby kasi namin siya. So, siyempre medyo nagtampo ako. Baby namin siya sa Eat Bulaga. Pero ngayon wala na, okey na.

Sa katunayan umano ay inimbitahan pa ni Joey sina Toni sa bahay niya noong panahong nanliligaw pa lamang ang kasalukuyang mister niyang si Paul Soriano.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Inimbitahan niya kami. Nanliligaw pa lang si Paul sa akin. Masaya kami,” ani Toni.

Si Toni Gonzaga ay nakilala sa kanyang husay sa pagiging isang TV host at mang-aawit. Kapatid siya ng YouTube star na si Alex Gonzaga at ikinasal siya sa direktor na si Paul Soriano. Matapos ang pagsara ng ABS-CBN, marami sa mga artista ang napilitang gumawa ng YouTube content para kahit papaano ay may pagkakakitaan na rin.

Matatandaang naging trending ang speech ni Toni matapos siyang pormal na ipakilala ng Shopee bilang kanilang pinakabagong endorser. Ibinahagi sa publiko ang tungkol sa pagiging bahagi niya ng Shopee family. Sa kanyang speech ay pinasalamatan ni Toni ang mga netizens dahil sila umano ang dahilan kung bakit nagtrend ang Shopee at maging si Toni. Aniya, ang maging bahagi ng Shopee ay isa sa pinakamalaking blessing na dumating sa kanya ngayong taon.

Read also

Vice Ganda, nagpasalamat matapos ang magagandang reviews sa pelikula nila

Samantala, inihayag ni Mommy Pinty Gonzaga kamakailan ang suporta niya para kay TOni Gonzaga sa bago nitong endorsement. Ito ay ang pagiging bagong endorser niya ng e-commerce platform na Shpee. Isang mensahe ang binahagi ni Mommy Pinty para kay Toni kalakip ang picture ng panganay niyang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel