Lee O'Brian, pinasalamatan ang mag-iinang Pokwang at mga anak

Lee O'Brian, pinasalamatan ang mag-iinang Pokwang at mga anak

- Binahagi ni Lee O'Brian ang video ng birthday celebration niya kasama ang mag-iinang Pokwang, Mae Subong at Malia O'Brian

- Pinasalamatan ni Lee ang anak na si Malia para sa pagkanta nito ng "Happy Birthday" para sa kanyang daddy

- Pinasalamatan niya rin si Pokwang at anak nito na si Mae para umano sa kanyang cake

- Marami ang natuwa na kahit magkahiwalay sila ni Pokwang ay maayos ang kanilang samahan pagdating sa pagiging magulang sa kanilang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Lee O'Brian si Pokwang at maging ang anak nito na si Mae Subong para sa kanyang birthday cake. Binahagi ni Lee ang video ng kanilang simpleng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Lee O'Brian, pinasalamatan ang mag-iinang Pokwang at mga anak
Lee O'Brian, pinasalamatan ang mag-iinang Pokwang at mga anak (@itspokwang27)
Source: Instagram

Pinasalamatan din ni Lee ang anak na si Malia para sa pagkanta nito ng "Happy Birthday" para sa kanyang daddy. Marami ang natuwa na kahit magkahiwalay sila ni Pokwang ay maayos ang kanilang samahan pagdating sa pagiging magulang sa kanilang anak.

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, binahagi ang 4D sonogram ng kanilang baby

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Read also

Barbie Imperial, pinabulaanang siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Carlo Aquino at Trina Candaza

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel