Kiray Celis, sinorpresa ng boyfriend at ng pamilya niya ng mamahaling cellphone

Kiray Celis, sinorpresa ng boyfriend at ng pamilya niya ng mamahaling cellphone

- Binahagi ni Kiray Celis sa kanyang Facebook page ang video ng pagsorpresa sa kanya ng boyfriend niyang si Stephan Estopia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ginising siya nito para ibigay ang bagong iPhone 14 Pro Max na bigay umano ng boyfriend niya pati na rin ng mama at papa ni Kiray

- Hindi naman maitago ni Kiray ang tuwa sa natanggap na sorpresa mula sa kanyang mahal sa buhay

- Kadalasan sa mga video na binabahagi ni Kiray ay siya ang nakikitang nagbibigay ng regalo at sorpresa sa mga taong mahalaga sa kanya

Tuwang-tuwa si Kiray Celis sa natanggap na sorpresa mula sa kanyang boyfriend na si Stephan Estopia. Ginising siya nito para ibigay ang bagong iPhone 14 Pro Max mula kay Stephan at pati na rin sa mama at papa ni Kiray.

Read also

Zeinab Harake, pinasalamatan si Ivana Alawi sa pag-alala nito sa kanyang "Baby Moon"

Kiray Celis, sinorpresa ng boyfriend at ng pamilya niya ng mamahaling cellphone
Kiray Celis, sinorpresa ng boyfriend at ng pamilya niya ng mamahaling cellphone (@kiraycelis)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa comment section ay pinasalamatan ni Kiray ang mama at papa niya pati na rin ang kanyang boyfriend.

Sulit pagod ko sa taping.. thank you, Mama, papa and jowa.

Aniya, naiyak siya sa natanggap na sorpressa.

Sana ol ginigising NG May iPhone 14 pro max huhuhu iyak si ako talaga!

Si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay isang aktres at komedyanteng unang sumikat sa showbiz matapos niyang manalo sa patimpalak na Muntíng Miss U sa dating noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng "Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Matatandaang sa isa sa pinakabagong vlog ni Kiray ay pinakita niya ang pagpapatattoo ng kanyang boyfriend. Kinakiligan ito ng mga netizens at marami sa mga ito ang napa-"sana all." Kamakailan ay minabuti din ni Kiray na linawin ang mga isyu kaugnay sa mga pictures niya kasama ang modelong si Kirst Viray na dati na ring naiugnay sa kanya.

Read also

Neri Miranda, hinangaan sa kanyang binahaging bagong investment

Samantala, sa pagpanaw ng sikat na celebrity stylist at makeup artist na si Fanny Serrano, isa si Kiray sa nagpahayag ng kanyang kalungkutan. Inalala niya kung paano sila ng kakilala ng sikat na stylist na aniya ay pinahanap talaga siya. Ito ay matapos mabalitaan ni Fanny ang tungkol sa pambu-bully umano sa kanyang make-up at nalagay siya bilang isa sa worst dressed sa isang ball. Ani Kiray, iyon ang naging simula ng lahat kaya mami-miss niya ang kanyang Tito Fanny na tinuturing niyang kanyang fairy godmother.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel