Serena Dalrymple, nakatakdang ikasal sa kanyang fiancé sa susunod na linggo

Serena Dalrymple, nakatakdang ikasal sa kanyang fiancé sa susunod na linggo

- Ibinahagi ni Serena Dalrymple ang timeline mula nang magkakilala sila ng kanyang fiancé hanggang sa nakatakda nilang pagpapakasal sa susunod na linggo

- Base sa kanyang post, taong 2018 nang una umano silang magkakilala ng kanyang mapapangasawa

- Taong 2021 naman umano naganap ang kanilang engagement at ngayong taon nga sila ikakasal

- Walang binanggit na eksaktong petsa ang dating child star ngunit marami sa mga dating kasamahan niya sa showbiz ang bumati sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ikakasal na si Serena Dalrymple sa kanyang fiancé sa susunod na linggo. Wala pang binanggit na eksaktong petsa ang dating child star. Marami sa mga dating kasamahan niya sa showbiz ang bumati sa kanya.

Serena Dalrymple, nakatakdang ikasal sa kanyang fiancé sa susunod na linggo
Serena Dalrymple, nakatakdang ikasal sa kanyang fiancé sa susunod na linggo (@sdalrymple)
Source: Instagram

Base sa timeline na kanyang nabanggit, una niyang nakilala ang mapapangasawa noong 2018. Nakapunta na rin sila sa Pilipinas noong 2018.

Read also

Angeline Quinto, engaged na sa kanyang partner na si Nonrev Daquina

Taong 2021 naman umano naganap ang kanilang engagement at ngayong taon nga sila ikakasal. Wala pang binabanggit si Serena na eksaktong petsa at lugar kung kailan at saan sila ikakasal.

A timeline:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

2018 - when we first met, also visited the Philippines and we went to Banff
2019 - our trip to Scotland and Paris
2020- we bought a home and moved from New Yorkto New Hampshire!
2021 - we got engaged
2022 - we are getting married next week!!!

Si Serena Gail Dalrymple ay isang Filipino-American actress na tumigil sa pag-aartista mula noong taong 2004. Naging bahagi pa rin siya ng pelikulang "Ang Tanging Ina Ninyong Lahat" noong 2008 at "Ang Tanging Ina Mo" noong 2010.

Sa kanyang pamamalagi sa ibang bansa, marami pa rin sa kanyang mga tagahanga ang nakasubaybay sa kanya sa pamamagitan ng kanyang social media account. Taong 2020 nang ibahagi ni Serena ang isang picture niya noong isa siya sa mga child star sa showbiz. Ito ay sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-30 na kaarawan.

Read also

Miss Everything, nagpost tungkol sa pinagdadaanan niya: "I’m a broke again"

Sa kanyang naunang post, nagbalik-tanaw ang dating child star. Aniya, apat na taon na ang nakakalipas nang maka-match niya sa isang dating app ang kanyang fiancé. Naibahagi niya rin na nakatakda na silang ikasal ng kanyang fiancé ngayong taon. Bumuhos naman ang pagbati para sa dating aktres na hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin ang tagahangang sumusubaybay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel