Ethel Booba, namigay ng P10,000 sa mga taong nagbigay ng barya sa kanya

Ethel Booba, namigay ng P10,000 sa mga taong nagbigay ng barya sa kanya

- Napagpasyahan ni Ethel Booba na mamahagi ng biyaya sa mga taong aniya ay may mabubuting puso

- Nagsuot siya ng wig at face mask para kahit paano ay hindi siya kaagad makilala ng mga taong hihingian niya ng tulong

- Kunwari ay naiwan niya ang kanyang wallet kaya kailangan niyang manghingi ng barya para may pamasahe siya

- Lahat ng nagbigay sa kanya ng barya ay binigyan niya din ng P10,000 at abot-abot ang pasasalamat ng mga nabigyan niya ng pera

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-share ng blessing si Ethel Booba sa mga taong may busilak na kalooban. Nagsuot siya ng wig at face mask para kahit paano ay hindi siya kaagad makilala ng mga taong hihingian niya ng tulong.

Ethel Booba, namigay ng P10,000 sa mga taong nagbigay ng barya sa kanya
Ethel Booba, namigay ng P10,000 sa mga taong nagbigay ng barya sa kanya (@ethelbooba)
Source: Instagram

Kunwari ay naiwan niya ang kanyang wallet kaya kailangan niyang manghingi ng barya para may pamasahe siya. Nag-abang siya sa isang remittance center at ilan sa mga customer ng naturang remitance center ang kanyang sinmubukang hingian ng tulong.

Karamihan sa mga taong hiningian niya ng tulong ay nagbigay naman ngunit mayroon ding mangilan-ngilan na tinarayan pa siya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ethel Gabison o mas kilala bilang si Ethel Booba ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition. Naging bahagi din siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2.

Matatandaang pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak sa kaibigang si Ethel matapos niyang makita ito sa unang pagkakataon. Dinala nila ang bata sa toy store at si Vice ang nagbayad sa lahat ng laruan na nagustuhan ni Michaela. Umabot sa P124,000 ang kanyang binayaran sa mga laruan na napili ng anak ni Ethel. Umabot naman sa P192,000 ang kanyang binayaran sa mga damit na kanilang pinamili.

Samantala, nabanggit ni Vice Ganda na sakit umano talaga ng ulo nilang magkakaibigan si Ethel. Naranasan pa umano niyang patirahin si Ethel sa kanyang condo ngunit pinagtatapon umano nito ang mga gamit niya dahil nagalit sa kanya. Natawa naman si Ethel at hindi pinagkaila na ginawa niya iyon kay Vice Ganda dahil matutulog na umano siya at wala pa si Vice. Para naman sa asawa nitong si Chef Jessie, masinop at maayos na asawa si Ethel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel