Maricel Soriano, kinaaliwan sa kanyang "Game of Firsts" vlog

Maricel Soriano, kinaaliwan sa kanyang "Game of Firsts" vlog

- Sinagot ni Maricel Soriano ang ilang katanungan sa kanyang vlog na pinamagatang "Game of Firsts"

- Ilan sa mga naitanong sa kanya ay tungkol sa mga personal na bagay kagaya na lamang ng usapin tungkol sa pakikipagrelasyon at kanyang mga kaibigan

- Naibahagi ni Maricel na si Vice Ganda umano ang unang kaibigan na tatawagan niya kapag gusto lang niyang umiyak

- Agad umano siyang pinuntahan ni Vice noong tinawagan niya ito noong may pinagdadaanan siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa vlog ni Maricel Soriano na pinamagatang "Game of Firsts," binahagi ni Maricel ang kanyang prangkang mga kasagutan sa mga tanong sa kanya. lan sa mga naitanong sa kanya ay tungkol sa mga personal na bagay kagaya na lamang ng usapin tungkol sa pakikipagrelasyon at kanyang mga kaibigan.

Maricel Soriano, kinaaliwan sa kanyang "Game of Firsts" vlog
Maricel Soriano, kinaaliwan sa kanyang "Game of Firsts" vlog (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Bukod sa mga tanong tungkol sa trabaho kagaya na lamang ng kanyang unang teleserye, unang manliligaw na binusted niya, unang on-screen at off-screen kiss, naitanong din kay Maricel ang tungkol sa kanyang mga kaibigan.

Read also

Andrew Schimmer, nagbahagi ng mensahe tungkol sa loyalty: “I’ll be your backbone”

Ang showbiz friend niya kapag gusto niyang umiyak ay si Vice Ganda. Naranasan niya umanong tawagan si Vice at dumating umano kaagad si Vice nang naka-costume pa.

Panuorin ang kabuoan ng video niya dito:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Read also

Vice Ganda, binahagi ang video nila ng mga kaibigan kung saan nahulog sila sa swing

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel