Herlene Budol, aminadong napikon sa mga sinabi ni Miss Manila
- Inamin ni Herlene Nicole Budol na napikon siya sa mga sinabi ni Miss Manila Alexandra Abdon
- Aniya naisip niyang kung hindi iyon nangyari sa telebisyon ay baka nakapanakit na siya dahil iyon umano ang natural niyang reaksiyon
- Gayunpaman, aniya ay baka totoong scripted lang naman iyong mga sinabi ni Miss Manila kaya dapat ay tigilan na ang pangbabatikos sa kanya
- Sana umano ay nasabihan man lang siya tungkol dito kung scripted man para mas naging kalmado siya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Herlene Nicole Budol, sobra siyang napikon sa sinabi sa kanya ni Miss Manila Alexandra Abdon. Naisip niyang kung hindi iyon nangyari sa telebisyon ay baka nakapanakit na siya dahil iyon umano ang natural niyang reaksiyon.
Aniya parang gusto na lang niyang lumubog sa kinauupuan niya noong mga panahong iyon lalo at nabanggit pa nito ang kanyang magulang. Gayunpaman, naisip niyang mayroon ding naging ambag si Miss Manila sa kanyang tinamong tagumpay dahil isa umano ito sa mga naging motivation niya para ibigay ang lahat ng kanyang makakaya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.
Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.
Source: KAMI.com.gh