Solenn Heussaff, nag-countdown sa kanyang pag-injection araw-araw

Solenn Heussaff, nag-countdown sa kanyang pag-injection araw-araw

- Binahagi ni Solenn Heussaff ang kanyang picture kung saan makikita ang kanyang tiyan na may bakas pa ng kanyang injection

- Nag-countdown ito sa pamamagitan ng kanyang araw-araw na injection sa kanyang tiyan

- Matatandaang naibahagi ni Solenn sa unang pagbubuntis niya na kinailangan niya ding gawin iyon para sa kanyang baby

- Ito ay dahil prone umano siya sa APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome na isang autoimmune disorder na kadalasang nararanasan ng nagbubuntis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Solenn Heussaff, natapos na niya ang 140 beses na injection at mayroon na lamang siyang nalalabing 133. Matatandaang naibahagi ni Solenn sa unang pagbubuntis niya na kinailangan niya ding gawin iyon para sa kanyang baby dahil aniya ay prone siya sa APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome na isang autoimmune disorder.

Solenn Heussaff, natapos ang 140 beses na injection dahil sa APAS
Solenn Heussaff, natapos ang 140 beses na injection dahil sa APAS (@solenn)
Source: Instagram

Marami naman sa mga mommies na kagaya niyang dumadanas ng APAS ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa pagiging matatag at matapang ni Solenn sa kabila ng kanyang kailangang pagdaanan sa kanyang pagbubuntis.

Read also

Bugoy Cariño, pabirong kinompronta ni EJ Laure kaugnay sa viral picture niya

Brave and strong APAS Momma! Nkaka proud ka po Ms. Solenn.
One tough mama to do it all over again! God keep you and your baby safe always!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

You got this momma! You can do it Momma Sos! You’re one of the strongest women I know. Remember you were the last woman standing on that island. Prayers and blessings your way! Love ya!

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay isang Pinay actress, model, artist at singer. Isa siya sa naging official castaways ng programang Survivor Philippines: Celebrity Showdown kung saan isa siya sa hinirang na Final Three.

Binahagi kamakailan ni Nico Bolzico ang ilang pictures nila ng ank na si Tili sa kanilang biyahe papuntang Argentina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Nico na kinailangan nilang magbiyahe na mag-ama nang hindi kasama si Solenn. Sa kanyang binahaging mga pictures ay makikita ang ginawang paraan ni Nico para hindi mainip ang anak sa kanilang mahabang biyahe.

Read also

Bianca King, buntis na sa unang anak nila ng mister na si Ralph Wintle

Binahagi naman ni Solenn ang screenshot ng video call nila ni Thylane Katana o mas kilala bilang si Tili. Binahagi niya sa kanyang Instagram story ang screenshots ng kanilang pag-uusap sa pamamagitan ng pag-video call. Hindi na nakasama si Solenn sa kanyang mag-ama dahil sa kanyang pagbubuntis.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel