Fumiya Sankai, inakalang nakalimutan na siya ng mga Pinoy fans niya

Fumiya Sankai, inakalang nakalimutan na siya ng mga Pinoy fans niya

- Ayon kay Fumiya Sankai, inakala niyang hindi na siya maaalala ng kanyang mga Pinoy fans

- Ito ay dahil matagal din siyang nanirahan at namalagi sa Japan matapos nitong umuwi noong nagkaroon ng pandemya

- Sa kanyang pagbabalik sa bansa, masaya siyang makita na mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy

- Aniya, nais niyang gumawa ng mga project sa Filipino entertainment ngayong nakabalik na siyang muli sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Fulmiya Sankai na hindi niya inasahang maaalala pa siya ng kanyang mga Pinoy fans dahil sa tagal niyang namalagi sa Japan nitong kasagsagan ng pandemya. Sa kanyang pagbabalik sa bansa, masaya siyang makita na mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy.

Fumiya Sankai, inakalang nakalimutan na siya ng mga Pinoy fans niya
Fumiya Sankai, inakalang nakalimutan na siya ng mga Pinoy fans niya (@23shun_base)
Source: Instagram
And this time, I returned to the Philippines for the first time in a long time. I honestly thought that the Filipinos had forgotten me because I had been living in Japan for so long. But when I actually went there, I found that many people were still supporting me as before.

Read also

Fil-Am TikTok superstar na si Bella Poarch, pangarap na makapag-perform sa ASAP

Sa unang pagkakataon matapos ang kanyang pamamahinga sa showbiz, na-enjoy umano niya ang pagpapalagay ng makeup, pag-aaral ng script at maging ang filming.

I enjoyed wearing makeup for the first time in a long time, learning the script, and filming just as I had in the past. I would like to try more Filipino entertainment in the future.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Fumiya Sankai ay kilala na bilang isang vlogger bago pa siya sumali sa "Pinoy Big Brother: Otso" kung saan nakilala niya ang malapit na kaibigang si Yamyam Gucong. Isa siyang Japanese na nahilig sa Pinoy content kaya marami na rin ang kanyang mga tagasubaybay na mga Filipino kahit hindi pa siya nakapasok sa mundo ng showbiz.

Matatandaang marami ang nag-alala sa former PBB housemate matapos niyang ibahagi ang tungkol sa operasyon na kinailangang gawin sa kanya upang umayos ang kanyang kalusugan. Maging si Yamyam ay nag-alala at ipinagdasal ang maayos na operasyon sa kanyang malapit na kaibigan na kung tawagin niya ay kanyang spiritual brother.

Read also

Donnalyn Bartolome, nagsalita na kaugnay sa kanto-style celebration: "Wala akong regrets"

Matatadaang ibinahagi ni Fumiya na nakaranas ng cerebral hemorrhage at nawalan ng malay ang kanyang ina. Kaya naman agad itong isinugod sa ospital at sa kabutihang palad ay naging maayos na umano ang kalagayan. Kinailangang umuwi ni Fumiya sa kanilang lugar dahil nasa Tokyo umano siya nang mangyari ito sa ina. Sa kanyang vlog ay pinakita ni Fumiya ang kanilang naging pag-uusap ng kanyang ina na kagaya niya ay masayahin din.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel