Albie, natawa sa nag-viral na meme ng pusang kahawig niya daw

Albie, natawa sa nag-viral na meme ng pusang kahawig niya daw

- Kinaaliwan si Albie sa kanyang naging reaksiyon sa nag-viral na meme ng isang pusa

- Makikita sa meme ang umano'y pagkakahawig nito kay Albie at natawa na lamang si Albie

- Naibahagi niya ang screenshot ng picture ng pusa sa naturang meme sa kanyang Instagram story

- Imbes na mapikon, ginamit pa ni Albie ang naturang picture bilang kanyang profile picture sa Instagram

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natawa na lang si Albie sa nag-viral na meme ng isang pusa na umano ay kahawig niya. Imbes na mapikon, ginamit niya ang naturang picture ng pusa bilang kanyang Instagram profile picture.

Albie, natawa sa nag-viral na meme ng pusang kahawig niya daw
Albie, natawa sa nag-viral na meme ng pusang kahawig niya daw (@thestallion09)
Source: Instagram

Binahagi niya din ang naturang picture ng pusa sa kanyang Instagram story kalakip ng mga salitang, "This is getting out of hand" Gumamit din siya ng mga laughing emoji sa kanyang IG story.

Marami naman ang naaliw at natuwa sa kanyang reaksiyon imbes na mapikon kagaya ng ibang personalidad. Narito ang ilang komento ng netizens:

Read also

Serena Dalrymple, ibinahagi ang pictures sa ginanap na bachelorette party niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilaro na ni Albie! Hahaha!
After netizens made fun of Albie for looking like a cat, he decided to make it his profile photo.
Pinanindigan na ni Albie na kamukha nya yung pusa! Haha!

Si Albie ay isang aktor na sumikat sa kanyang pagganap bilang si Christian sa remake ng seryeng Mara Clara noong 2010 kung saan naipareha siya kay Kathryn Bernardo.

Matatandaang hindi na nakapagtimpi si Jaclyn Jose matapos ang naging pahayag ni Albie kaugnay sa aniya'y naramdaman niya nang makarating sa kanya ang balita tungkol sa pagdagdag ng timbang ng dating karelasyong si Andi Eigenmann. Sa kanyang post sa Instagram na binura niya rin ay pinakiusapan niya si Lauren Dyogi kaugnay sa naging pahayag ni Albie. Aniya ay hindi na dapat dinadawit ang anak niyang nanahimik at may sarili nang buhay at pamilya sa Siargao.

Read also

Brenda Mage, nagbabalak na magpagawa ng basketball at volleyball court

Hindi rin napigilang mag-react ng ina ni Albie sa isang tweet kasunod ng kontrobersiyal na pahayag ni Albie. Sa nasabing tweet ay sinariwa ng netizen ang physical at emotional torture na pinagdaanan ni Albie sa mga panahong paangat na sana ang kanyang career. Wala naman nang ibang salitang nilagay ang ina ni Albie kundi tatlong crying emoji. Matatandaang naging kapareha ni Kathryn Bernardo si Albie sa teleseryeng Mara Clara nang pumutok ang isyu tungkol sa pagbubuntis ni Andi at siya ang tinurong ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel