Moira dela Torre, kalmadong sinagot ang body shamer: “I hope you’re eating well”

Moira dela Torre, kalmadong sinagot ang body shamer: “I hope you’re eating well”

- Sinagot ni Moira dela Torre ang isang netizen na nagkomento tungkol sa kanyang pangangatawan

- Sa kanyang bagong profile picture sa Facebook ay isang netizen ang nagsabing katawan din ang tinitingnan ng mga lalaki

- Sagot ni Moira, kung magpapapayat man siya ay gagawin niya iyon para sa kanyang sarili at hindi para sa isang lalaki

- Aniya, naniniwala siyang lahat ng tao ay deserve ng taong magmamahal sa kanila sa kahit anong kalagayan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinabiliban si Moira dela Torre sa kanyang naging tugon sa isang netizen na pumuna sa kanyang pangangatawan. Nagpayo pa ito maging aware umano si Moira na katawan din ang tinitingnan ng mga lalaki.

Moira Dela Torre, kalmadong sinagot ang body shamer: “I hope you’re eating well”
Moira Dela Torre, kalmadong sinagot ang body shamer: “I hope you’re eating well” (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Sagot ni Moira, hindi niya gagawin na magpapapayat kung para lamang sa isang lalaki. Aniya, kung magpapapayat man siya iyon ay para sa sarili niya.

Read also

Kendra Kramer, pumasok na sa regular school matapos ang 4 na taong homeschooling

Dagdag pa niya, naniniwala siyang lahat ng tao ay deserve ng taong magmamahal sa kanila sa kahit anong kalagayan.

“At the end of the day, every person deserves someone who can love them and be faithful to them in all their phases, in every season —sickly, healthy, thin or fat. I hope you’re eating well and that whoever you’re with know your value and your worth whatever size you are,."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Moira dela Torre, kalmadong sinagot ang body shamer: “I hope you’re eating well”
Moira dela Torre, kalmadong sinagot ang body shamer: “I hope you’re eating well” (Moira dela Torre)
Source: Facebook

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog. Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Minabuti na ni Moira na magsalita kaugnay sa paghihiwalay nila ni Jason. Ito ay matapos lumabas ang mga espikulasyon na nag-cheat umano siya sa kanyang mister. Diretsahang sinabi ni Moira na isinabuhay niya ang kanyang wedding vow at hindi siya nag-cheat sa asawa. Aniya, kahit hindi na sila magkasama ni Jason ay nasasaktan siyang nakikita ang mga gawa-gawang kwento na aniya ay malayo sa katotohanan.

Read also

Oyo Boy Sotto, ibinida ang kagandahan ng kanyang asawang si Kristine Hermosa

Nagluksa si Moira sa pagpanaw ng kanyang longtime personal driver. Sa isang post ay binahagi niya ang kanyang mensahe para sa kanyang driver na tinawag niyang Kuya Baj. Pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting kaibigan umano nito sa kanya at sa pagiging pamilya kay Moira. Bumuhos naman ang pakikiramay kay Moira mula sa mga kasamahan niya sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel