Andi Eigenmann, pinakita ang aniya'y "best anniversary date ever"

Andi Eigenmann, pinakita ang aniya'y "best anniversary date ever"

- Pinakita ni Andi Eigenmann ang kanilang simpleng date sa pagdiriwang nila ni Philmar Alipayo ng kanilang anniversary

- Ito ay naganap sa kanilang pagpunta kamakailan sa Bali, Indonesia kasama ang kanilang tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Koa

- Sa isang bahagi ng video ay makikitang kumakain sila ng mais ni Philmar at nasabi ni Andi na ito umano ang kanilang "best anniversary date ever"

- Marami naman ang natuwa at lalong humanga sa pamilya ni Andi na masaya sa kahit simpleng mga bagay sa kanilang buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Andi Eigenmann ang kanilang anniversary date ni Philmar Alipayo. Simple lang ang kanilang date kasama ang kanilang mga anak.

Andi Eigenmann, pinakita ang aniya'y "best anniversary date ever"
Andi Eigenmann, pinakita ang aniya'y "best anniversary date ever" (@andieigengirl)
Source: Instagram

Kamakailan ay pumunta ang mag-anak sa Bali, Indonesia kung saan nagdiwang ang dalawa ng kanilang anniversary. Hindi naman nalalayo sa kanilang buhay sa Isla ng Siargao ang kanilang napuntahan dahil nagpunta din sila sa beach.

Marami naman ang natuwa at lalong humanga sa pamilya ni Andi na masaya sa kahit simpleng mga bagay sa kanilang buhay:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Beautiful family, I admire your simplicity. Love watching all your vids
Happy anniversary to both of you keep forever love and happiness.God bless happy islanders
nakakahanga ka mam Andy sino mag aakala na ung isang sikat na artista at mayaman na gaya mo mas pinili ang tahimik na buhay at maging fulltime wife at mom sa mga kids mo ❤ the way you raised your kids is incredible literal u adopt province life si lilo at Koa lagi naka paa

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Pinakita ni Andi sa kanyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao. Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort. Marami naman ang natuwa na sa kanyang murang edad ay may malasakit ito sa kapaligiran.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel