Andi Eigenmann, kinabiliban sa pagiging hands-on sa kanilang snack bar

Andi Eigenmann, kinabiliban sa pagiging hands-on sa kanilang snack bar

- Binahagi ng ilang netizens ang kanilang karanasan nang makita ng personal si Andi Eigenmann sa Siargao

- Ito umano mismo ang kumukuha ng kanilang order sa snack bar nito sa Siargao na Kanaway

- Marami ang sumasadya sa kanilang snackbar at karamihan sa mga pumupunta sa Siargao ay nagsasabing kabilang sa makakapagkompleto ng kanilang pagpunta doon ay ang makita si Andi

- Marami din ang nagsasabing mabait at accommodating si Andi sa mga taong pumupunta sa Siargao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inulan ng mga papuri si Andi Eigenmann matapos ibahagi ng ilang local tourists ang kanilang personal encounter sa kanya. Marami ang sumasadya sa kanilang snackbar at karamihan sa mga pumupunta sa Siargao ay nagsasabing kabilang sa makakapagkompleto ng kanilang Siargao trip ay ang makita si Andi.

Read also

Vice Ganda, pabirong binanggit si Anne Curtis habang namamasyal siya sa Canada

Andi Eigenmann, umani ng papuri dahil sa kabaitan umano nito
Andi Eigenmann, umani ng papuri dahil sa kabaitan umano nito (@andieigengirl)
Source: Instagram

Makikita sa video na naibahagi sa TikTok na si Andi mismo ang kumukuha ng mga order ng mga customers. Maganda din ang reviews sa kanilang snack bar.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isa pang video ay makikita kung gaano siya ka hands-on sa kanilang snack bar at nakikipag-usap sa mga customers. Bukod dito ay mayroon din silang ibang negosyo kagaya ng surfing school at isang bar na kamakailan lang nagbukas.

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Read also

Toni Gonzaga, nagbahagi ng video ng kanyang sarili habang nag sa-shopping

Pinakita ni Andi sa kanyang bagong vlog episode ang kanilang karaniwang ginagawa kapag sila ay nasa Siargao. Sa unang bahagi ng video ay makikita si Ellie na kasama ang kapwa niya kabataan na may dala-dalang sako. Mas pinili umano nitong sumama sa mga kaibigan para mamulot ng basura at nagsabing susunod na lang sa kanyang ina sa isang surf resort. Marami naman ang natuwa na sa kanyang murang edad ay may malasakit ito sa kapaligiran.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel