Angelica Panganiban, pinakita ang mga numbers na na-block niya dahil sa spam texts

Angelica Panganiban, pinakita ang mga numbers na na-block niya dahil sa spam texts

- Naibahagi ni Angelica Panganiban ang kanyang mga na-block na numbers dahil sa spam messages at fake job offers na natanggap

- Napatanong siya tungkol dito kung madami pa rin ba ang mga spam texts kung bago ang gagamitin mong sim card

- Dahil sa kanyang tweet ay marami ang nagbahagi ng kanilang karanasan kaugnay sa pagkakatanggap ng spam messages

- Mayroong nagsasabing kahit bago ang sim card ay nakakatanggap pa rin ng maraming text messages mula sa mga di kilalang number

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Angelica Panganiban ang video kung saan pinakita niya ang napakaraming cellphone numbers mula sa hindi niya kilalang tao. Na-block niya umano ang mga ito dahil ito ang nagpapadala sa kanya ng mga spam messages at fake job offers.

Angelica Panganiban, pinakita ang mga numbers na na-block niya dahil sa spam texts
Angelica Panganiban, pinakita ang mga numbers na na-block niya dahil sa spam texts (@iamangelicap)
Source: Instagram

Napatanong siya tungkol dito kung madami pa rin ba ang mga spam texts kung bago ang gagamitin mong sim card.

Read also

SHS student, nakatanggap ng 60 na mga award sa isang school year

What are the chances na kapag bago na ang phone number mo, hindi ka na matetext ng mga nagsasabing “beshie its your lucky day” or “you are now hired” or “we are hiring” napakadami ko nang na block.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga netizens ang nakarelate sa problemang ito ng aktres:

“Ganyan na ren ang list ko [ng] naka-blocked pero may nakakapasok pa ren,”
Whenever i got a text message from unknown numbers, blocked agad! Nakakasawa lang din kc almost everyday may dumarating na iba ibang number pero iisa message
Kahit kakapalit mo lang ng new number, still recycled no. pa din yan. Kaya may magtetext pa din ng ganyan sayo. Depende na lang siguro kung ikaw ang pinaka unang owner ng number.

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Read also

Viral delivery rider noong 2020, nagtapos na ngayon bilang magna cùm laude

Matapos ang paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz at naudlot na balikan nila ni Carlo Aquino, masayang ibinabahagi ni Angelica sa social media ang kanyang bagong pag-ibig sa katauhan ni Gregg Homan. Kamakailan nga ay usap-usapan ang kanyang makahulugang post patungkol sa kanilang dalawa.

Matatandaang hindi pinalampas ni Angelica ang kanyang basher na tumawag sa kanyang starlet. Sa pamamagitan ng isang tweet ay bumwelta ang aktres at sinabihan nito ang basher na apektado siya sa tinatawag niyang starlet. Bumuhos naman ang pagsuporta kay Angelica at marami sa kanila ang umalma sa pagtawag ng twitter user kay Angge na starlet. Matapos mag-viral, agad ding binura ng naturang Twitter user ang kanyang tweet.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel