Derek Ramsay, na-stress sa aniya'y mga "liars on Facebook"

Derek Ramsay, na-stress sa aniya'y mga "liars on Facebook"

- Sa IG Stories ni Ellen Adarna, pinakita niya ang reaksiyon ni Derek Ramsay sa umano'y "liars on Facebook"

- Sila umano ang mga gumagawa ng kwento base sa mga sinabi ni Ellen na sineryoso nila

- Nabanggit ni Derek na ayon sa nakita niya sinabi umano ni Ellen na hindi na nito gusto si Derek dahil mahirap na ito

- Natatawa na lang si Ellen sa kanyang asawa na aniya ay na-stress sa mga nababasa nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Na-stress si Derek Ramsay sa kanyang nabasa kaugnay sa umano'y sinabi ni Ellen Adarna na hindi na nito gusto si Derek dahil mahirap na ito. Aniya, talagang sineryoso ng mga taong ito ang mga sinabi ni Ellen gayong mapagbiro ito.

Derek Ramsay, na-stress sa aniya'y mga "liars on Facebook"
Derek Ramsay, na-stress sa aniya'y mga "liars on Facebook" (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Tinawag ni Derek na mga sinungaling at gumagawa ng kwento ang mga taong nagpost tungkol dito. Natatawa na lang si Ellen sa kanyang asawa na aniya ay na-stress sa mga nababasa nito.

Read also

Barbie Imperial, sinorpresa ang ilang online food delivery riders

Samantala, tila nagtataka naman si Ellen kung kailan niya sinabi iyon. Aminado naman siyang madami siyang nasasabi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please. Matatandaang naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila. Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Sa kanyang Instagram story nitong Sabado, pinakita ni Ellen Adarna ang isang boat jet na may nakalagay na pangalan niya. Maririnig ang kanyang pagsasalita sa video sa kanyang IG story kung saan sinabi niyang impulsive ang kanyang asawa. Naka-tag din sa naturang video clip si Derek at biniro pa ni Ellen ang mister na magsusumbong siya sa mommy nito. Sa isa pang story ay makikita si Ellen at ang anak niyang si Elias na nakasakay sa boat jet.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel