Annabelle Rama, kinaaliwan sa kanyang prangkang komento sa isang contestant

Annabelle Rama, kinaaliwan sa kanyang prangkang komento sa isang contestant

- Prangkang pinagsabihan ni Annabelle Rama ang isang contestant sa It's Showtime tungkol sa pagbe-baby talk

- Aniya, cute pakinggan ang baby talk pero hindi niya ina-advice sa lahat na mag-baby talk kasi aniya ay mahirap kapag nasanay

- Nabanggit pa niya ang tungkol sa isang politician na aniya ay wala siyang nag-intindihan dahil nag baby talk

- Sa huling bahagi ng kanyang komento ay sinabi niyang tigilan ang pag-baby talk

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang sinabi ni Annabelle Rama na cute ang isang contestant sa It's Showtime ngunit aniya hindi niya i-aadvice sa lahat ang tungkol sa pag-be-baby talk. Diretsahan niyang pinayuhan ang contestant na tigilan na ang pag-baby talk.

Annabelle Rama, kinaaliwan s akanyang prangkang komento sa isang contestant
Annabelle Rama, kinaaliwan s akanyang prangkang komento sa isang contestant (@annabelleramaig)
Source: Instagram

Ayon naman sa anak niyang si Raymond, bawal sa bahay nila ang baby talk kaya wala siyang narinig na nagsasalita sa ganoong paraan sa kanilang bahay.

Read also

Korina Sanchez, pinakita ang nakakaaliw na pag-uusap ng mga anak

Napag-usapan ang tungkol dito dahil naibahagi ng naturang contestant na ganun sila mag-usap ng kanyang boyfriend at nakasanayan na umano nila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahy ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang My Monster Mom kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel