Benjie Paras sa napapabalitang relasyon ng anak na si Kobe: “I would rather not comment"

Benjie Paras sa napapabalitang relasyon ng anak na si Kobe: “I would rather not comment"

- Ayon kay Benjie paras, mas maiging hindi siya magkokomento kaugnay sa love life ng anak na si Kobe Paras

- Aniya, hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng anak dahil alam niyang nasa tamang edad na umano ito

- Aniya, tiwala siyang alam na ng anak na gumawa ng tamang desisyon para sa kanyang sarili

- Matatandaang kinakiligan ng netizens ang post ni Kobe kamakailan kung saan kasama niya ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa isang ulat sa Inquirer.net na isinulat ni Dolly Anne Carvajal, naitanong niya kay Benjie Paras kung ano ang kanyang masasabi tungkol sa lumabas na mga balita tungkol sa anak na si Kobe Paras at anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak.

Benjie Paras sa napapabalitang relasyon ng anak na si Kobe: “I would rather not comment"
Benjie Paras sa napapabalitang relasyon ng anak na si Kobe: “I would rather not comment" (@_kokoparas)
Source: Instagram

Ani Benjie, hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng anak dahil alam niyang nasa tamang edad na umano ito.

Read also

Aubrey at Troy, matapang na idinetalye ang tungkol sa bunso nilang si Rocket

“I would rather not comment because I don’t meddle in Kobe’s personal life. He’s of age already, and I trust that he knows how to make the right decisions,”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, pagdating sa basketball ay patuloy niyang gagabayan ang anak.

“But as far as his basketball career is concerned, I will keep guiding him since that’s my expertise.”

Matatandaang kinakiligan ng netizens ang post ni Kobe kamakailan kung saan kasama niya ang anak ni Ina na si Erika. Sa isang ulat sa Latest Chika.com, naging hudyat ang mga posts nila para masabing Instagram official na ang dalawa.

Kinakiligan din ang palitan ng mensahe ng dalawa sa mga social media posts nila. Wala namang pag-amin o pagtanggi muka sa dalawa tungkol sa pag-uugnay sa kanila. Maging sa isang arrticle sa GMA News, naging usap-usapan din ang nilabas nilang pictures na magkasama.

Read also

Donnalyn Bartolome, humingi ng dispensa sa baby-themed photoshoot niya

Si Kobe Lorenzo Forster Paras ay isang professional basketball player. Naglalaro siya bilang small forward position. Bahagi din siya ng Philippine national team at ng national 3x3 team.

Isang madamdaming birthday message ang binahagi ni Kobe para sa kanyang kapatid na si Caleigh kamakailan. Ito ay matapos mag-post ng birthday greeting ng kanilang inang si Jackie Forster para sa anak. Aniya, na-miss niya na ang kanyang kapatid.

Naibahagi din ni Kobe sa isang post ang kanyang pinagdadaanang depresyon at ang naging epekto nito sa kanya. Nilinaw niyang hindi niya binahagi ang kanyang pinagdadaanan para kaawaan siya ng mga tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel