Richard Gutierrez, nagbahagi ng bagong post: "Get up, change of perspective, move forward"

Richard Gutierrez, nagbahagi ng bagong post: "Get up, change of perspective, move forward"

- Ibinahagi ni Richard Gutierrez ang kanyang panibagong pictures kalakip ng kanyang motivational message

- Kaugnay ito sa magandang attitude sa buhay kabilang na ang pag-move forward

- Bukod sa kanyang fit na pangangatawan ay hindi nakalampas sa mapanuring mga mata ng netizens na suot pa rin nito ang kanyang wedding ring

- Simula nang tila hindi na nakakapag-post ang mag-asawang Richard at Sarah Lahbati ng picture na magkasama sila ay naiintrigang naghiwalay na sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Richard Gutierrez ng post kalakip ang isang motivational message. Kaugnay ito sa magandang attitude sa buhay kabilang na ang pag-move forward.

Richard Gutierrez, nagbahagi ng bagong post: "Get up, change of perspective, move forward"
Richard Gutierrez, nagbahagi ng bagong post: "Get up, change of perspective, move forward"
Source: Instagram

Kalakip ng kanyang mensahe ay ang kanyang pictures na nagpapakita ng kanyang matipunong pangangatawan.

Get up, change of perspective, move forward… And let the Most High take the wheel. Your attitude determines your altitude

Read also

Vice Ganda: "Ako lang talaga ang walang grad pic sa lamesa sa bahay namin"

Sa kabila ng pang-iintriga sa pagsasama nila ni Sarah Lahbati ay marami ang nakapansin na suot pa rin ni Richard ang kanyang wedding ring.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Richard Gutierrez o Richard Kristian Rama Gutierrez ay isang kilalang aktor, environmentalist at modelo. Isa siya sa mga anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez at Anabel Rama. Ikinasal siya sa aktres na si Sarah Lahbati at nabiyayaan sila ng dalawang anak.

Matatandaang marami ang napa-"wow" sa sorpresa ni Richard sa misis nitong si Sarah Lahbati. Sa isang Instagram post ay pinasalamatan ni Sarah ang mister sa binigay nitong sasakyan na green. Ani Sarah, hindi lamang best dada sa kanilang mga anak si Richard kundi pinaparamdam umano nito kay Sarah na siya ang reyna niya kahit sa mga pagkakataong hindi niya inaasahan. Pinasalamatan din ni Sarah ang asawa sa unconditional love nito sa kanya at sa kanilang pamilya.

Read also

Karen Davila, aminadong kinilig nang marinig ang kanyang pangalan sa bagong kanta ni Yeng

Naibahagi ni Sarah ang isang mini-house tour sa kanyang Instagram account kung saan pinakita niya ang kanilang living room. Ito umano ang isa sa pinakapaborito nilang bahagi ng kanilang bahay dahil marami silang ginagawang magkasama sa kanilang living room. Makikita dito ang husay sa photography ng kanyang mister na si Richard dahil naka-display at naka-frame ang ilan sa kanyang mga kuha. Marami naman ang humanga sa husay ng aktres na magsalita at may potensiyal umano itong maging magaling na host.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel