Lyca Gairanod, binahagi ang nakakaaliw na ref raid sa bahay ni Cristina Gonzales

Lyca Gairanod, binahagi ang nakakaaliw na ref raid sa bahay ni Cristina Gonzales

- Kinaaliwan si Lyca Gairanod sa kanyang binahaging video sa kanyang YouTube channel kung saan pumunta siya sa bahay ni Cristina Gonzales

- Isang ref raid ang kanyang ginawa at hindi nito maitago ang pagkamangha sa mga sosyaling inumin at pagkain na kanyang nakita

- Pabiro pa nitong kinukuha ang ilan sa mga laman ng ref ng dating aktres na kanyang tinatawag bilang Tita Cristina

- Tawa naman ng tawa si Cristina habang ginagawa iyon ni Lyca at sinabi nitong maari pa umano nitong dagdagan ang kanyang iuuwi

Binahagi ni Lyca Gairanod ang isang ref raid sa bahay ng dating aktres na si Cristina Gonzales. Pabiro pa nitong kinukuha ang ilan sa mga laman ng ref ng dating aktres na kanyang tinatawag bilang Tita Cristina.

Lyca Gairanod, binahagi ang nakakaaliw na ref raid sa bahay ni Cristina Gonzales
Lyca Gairanod, binahagi ang nakakaaliw na ref raid sa bahay ni Cristina Gonzales (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Makikita sa video na pabirong inaabot ni Lyca sa tao sa kanyang likuran ang ilan sa mga pagkain at inumin mula sa loob ng ref ni Cristina. Natatawa si Cristina habang ginagawa iyon ni Lyca at sinabi nitong maari pa umano nitong dagdagan ang kanyang iuuwi.

Read also

Vice Ganda, gumastos ng mahigit P300,000 nang ipag-shopping ang inaanak

Narito ang ilan sa mga komento ng kanyang mga viewers:

The ever beautiful Ms Cristina Gonzales. Masarap tumawa at game na game kay Lyca. Mabait na actress, walang kupas ang ganda talaga.

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Nakakatuwa si Kring Kring napaka humble at mararamdaman mo din ung pagiging Real nya hindi fake lahat ng pinapakita nya even her laughs.
Stress reliever ko to si lyca eh watching her since the voice kids and I love to see how she improves especially pagharap sa camera walang eme. More vlogs bebe lyca. Love ka namin all the way from California.

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1. Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Read also

Vice Ganda, aminadong hindi naging madali ang pinagdadaanan

Bago pa man siya sumikat ay nag-viral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Lyca nang madatnan ang kanyang ama na nakaratay sa hospital bed. Hindi umano siya sanay na makitang ganoon ang kalagayan ng kanyang ama na aniya ay isang "strong man."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel