Iya Villania, pinasilip ang kanilang ‘tiny home’ na pinapagawa sa Rizal

Iya Villania, pinasilip ang kanilang ‘tiny home’ na pinapagawa sa Rizal

- Pinasilip ni Iya Villaniya ang kanilang pinapagawang bahay sa Rizal na malapit nang matapos

- Pinakita niya ang ilang bahagi ng kanilang bagong bahay kung saan mayroon silang pinagawang playground sa kanilang mga anak

- Pinakita niya din ang outdoor kitchen at hangout area ng kanilang bahay na aniya ay 'tiny home' nila

- Marami naman ang bumati sa aktres sa bagong bahay nito na malapit nang matapos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Iya Villania ang kanilang 'tiny home' na aniya ay malapit nang matapos. Sa kanyang social media post, isang virtual tour ang binahagi ni Iya sa bahay na pinatayo nila sa Taytay, Rizal.

Iya Villania, pinasilip ang kanilang ‘tiny home’ na pinapagawa sa Rizal
Iya Villania, pinasilip ang kanilang ‘tiny home’ na pinapagawa sa Rizal (@iyavillania)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post ay pinakita niya din ang outdoor kitchen at hangout area ng kanilang bahay na aniya ay 'tiny home' nila.

“The little house that we’re building here in Taytay is almost finished. It’s just really a tiny home,” aniya.

Read also

Barbie Hsu at ex-husband, nagbatuhan ng akusasyon laban sa isa't-isa

Bitbit ang kanyang bunsong anak, inilibot niya rin ang netizens maging sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Kapansin-pansin ang wood and brick accent ng bahay nila na talaga namang bumagay sa natatanaw na mga halaman sa paligid ng bahay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami naman ang bumati sa aktres sa bagong bahay nito na malapit nang matapos. Kabilang sina Carla Abellana, Denice Laurel at Lyn Ching sa mga nagkomento sa kanyang post.

Sa ilang bahagi ng video ay makikitang mismong si Iya ay tumulong sa pagkabit ng mga switch.

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ni Iya ang kanyang video ng kanyang pagwo-work out dalawang linggo matapos niyang manganak sa kanyang bunso. Umani ito ng mga reaksiyon at komento lalo na mula sa mga kapwa niya artista. Marami ang humanga na kahit kapapanganak lang nito ay kayang-kaya niyang mag-workout.

Read also

Erik Santos, napahagulhol matapos mag-alay ng huling awit para sa pumanaw na ina

Samantala, isang madamdaming pagbati ang binahagi ni Iya para sa mister na si Drew Arellano. Tinawag niya itong "everyone's favorite guy." Nabanggit din ni Iya kung gaano kahalaga sa kanila ng kanilang apat na anak ang kanilang haligi ng tahanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel