Iya Villania, may payo sa mommies na nais mag-workout: "Wait until bleeding subsides"

Iya Villania, may payo sa mommies na nais mag-workout: "Wait until bleeding subsides"

- Nagbigay ng payo si Iya Villania sa mga kagaya niyang mommies na kapapanganak lang at nais mag-work out kagaya niya

- Aniya, dapat ay antayin muna ng mga mommies na tumigil ang bleeding bago mag-workout

- Naikwento niyang dati ay lumala ang kanyang bleeding matapos niyang mag-workout dalawang araw lamang matapos manganak

- Para naman sa mga mommies na sumailalim sa caesarian section, kailangan umano muna mag-antay ng mas matagal

Inamin ni Iya Villania na naranasan niyang lumala ang bleeding niya matapos niyang mag-workout noon dalawang araw lang matapos niyang ipanganak si Leon. Kaya naman payo niya sa mga kagaya niyang mommies na nanganak at nais mag-workout, maghintay umano muna na tumigil ang bleeding nila.

Iya Villania, may payo sa mommies na nais mag-workout: "Wait until bleeding subsides"
Iya Villania, may payo sa mommies na nais mag-workout: "Wait until bleeding subsides" (@iyavillania)
Source: Instagram

Para naman sa mga mommies na sumailalim sa caesarian section, kailangan umano muna mag-antay ng mas matagal.

I tried this before, 2 days after delivering Leon, and boy was that a mistake I ended up bleeding more so pls wait until bleeding subsides before you guys start working out again those who had a CS may need to wait it out a little longer before working out again.

Read also

Cristy Fermin sa nababalita umanong buntis si Julia Montes; "Aminin kung totoo"

Nilinaw niyang hindi siya nagmamadali na maibalik ang dating pangangatawan. Mas madali lang umano siya makarecover dahil na rin sa kanyang naging paghahanda sa kanyang katawan para sa pagbubuntis niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nilinaw niya rin na pinayagan na siya ng kanyang doktor na makapag-ehersisyo dalawang linggo matapos niyang manganak.

Si Iya Villania-Arellano, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang TV presenter. Isa siyang Filipina-Australian na kinalaunan ay naging aktres at host na rin. Nakilala rin siya bilang isa sa pinakasikat na VJ ng Myx Channel.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ni Iya ang kanyang video ng kanyang pagwo-work out dalawang linggo matapos niyang manganak sa kanyang bunso. Umani ito ng mga reaksiyon at komento lalo na mula sa mga kapwa niya artista. Marami ang humanga na kahit kapapanganak lang nito ay kayang-kaya niyang mag-workout.

Read also

Whamos at Antonette Gail, magkaka-baby na; "Pinag-isipan namin ng matagal 'to"

Samantala, isang madamdaming pagbati ang binahagi ni Iya para sa mister na si Drew Arellano. Tinawag niya itong "everyone's favorite guy." Nabanggit din ni Iya kung gaano kahalaga sa kanila ng kanilang apat na anak ang kanilang haligi ng tahanan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel