Jennylyn Mercado, nakatakdang magbalik showbiz sa susunod na taon

Jennylyn Mercado, nakatakdang magbalik showbiz sa susunod na taon

- Ayon kay Jennylyn Mercado, malapit na siyang magbalik sa showbiz matapos ang kanyang pamamahinga dahil sa kanyang panganganak kay Baby Dylan

- Sa panayam ni Nelson Canlas kay Dennis Trillo ay binati ni Jennylyn ang reporter kaya sinabihan niya ito na bumalik na sa trabaho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang kinailangang itigil ng aktres ang kanyang taping sa seryeng "Love. Die. Repeat."

- Pinayagan naman siya ng GMA na ipagpatuloy na lamang niya ang naturang serye kapag pwede na siyang magtrabahong muli

Ayon kay Jennylyn Mercado, first quarter nang susunod na taon ay babalik na siya sa showbiz. Sa pinakabagong episode ng "Updated with Nelson Canlas," sinorpresa ng aktres ang reporter nang batiin niya ito.

Jennylyn Mercado, nakatakdang magbalik showbiz sa susunod na taon
Jennylyn Mercado, nakatakdang magbalik showbiz sa susunod na taon (@mercadojenny)
Source: Instagram

Sa panayam ni Nelson kay Dennis Trillo ay kinamusta siya ni Jennylyn kaya nabanggit niya dito na bumalik na siya sa trabaho.

Read also

Wil Dasovich, tinanghal na panalo sa World Vlog Challenge

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang habang nasa taping ng seryeng "Love. Die. Repeat." ay napag-alaman ng aktres na nagdadalang-tao siya. Naging maselan ang pagbubuntis niya kaya kinailangan niyang tumigil sa trabaho.

Pinayagan naman siya ng GMA na ipagpatuloy na lamang niya ang naturang serye kapag pwede na siyang magtrabahong muli pagkatapos niyang manganak.

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser. Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Read also

Kristel Fulgar at Big Boss, kinakiligan sa mala K-drama na na date sa Han River at movie date

Naging usap-usapan kamakailan ang matapang na pagbabahagi ng opinyon ng aktres hinggil sa ilang isyu. Maging si Lolit Solis ay nagbahagi ng kanyang opinyon hinggil sa isyung kinasangkutan nila Arnell at Jennylyn. Naging viral din kamakailan ang post ng Kapuso star hinggil sa SONA ni Pangulong Rody Duterte.

Matatandaang pinakita ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang di inaasahang pangyayari matapos nilang magtungo sa ospital para magpa-check-up. Marami ang nawindang sa huling bahagi ng kanilang YouTube video dahil manganganak na pala si Jen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel