Solenn Heussaff, pinakita ang video ng pagturo ni Kuya Henry ng Filipino alphabet kay Tili
- Sa kanyang Instagram story ay kinaaliwan ng mga netizens ang video na binahagi ni Solenn Heussaff
- Pinakita niya ang nakakatuwang pag-uusap ng anak niyang si Tili at ng taho vendor na si Kuya Henry
- Base sa kanyang caption ay tinuturuan umano ni Kuya Henry si Tili ng alpabetong Pilipino gamit ang flashcards
- Marami ang naaliw at humanga sa pagiging humble ng mag-asawa at sa maayos na pakikitungo nila kay sa taho vendor na palagi nilang binibilhan ng taho
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa Instagram stories ni Solenn Heussaff, pinakita niya ang nakakaaliw na video kung saan tinuturuan umano ng taho vendor na si Kuya Henry si Tili ng alpabetong Pilipino. Marami ang naaliw at humanga sa pagiging humble ng mag-asawa at sa maayos na pakikitungo nila sa taho vendor na palagi nilang binibilhan ng taho.
Makikita din sa video na binahagi ni Solenn na nakayapak lang si Tili habang naghihintay ng kanyang taho. Marami ang humanga dahil kahit may kaya sila sa buhay ay natuturuan ng mag-asawa ang anak nila kung paano makitungko sa kapwa.
Nice one.. Dapat ganyan lahat ng parents bata palang turuang maging humble ang anak yung iba magkaron lang ng konti ang taas na ng tingin sa antas nila.. Walang batang salbahe pasaway na magulang meron kung anung tinuturo ng magulang yun lang ang inaabsorb ng anak..
Panis nakapaa si bebe. Ganyan din kami nun e tatakbo sa tahi walang sinelas
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Galing naman, walang arte arte ,kahit walang tsinelas okay lang sa kanila , literal na batang pinoy pag may tahong dadaan
Si Thylane Katana H. Bolzico o mas kilala sa palayaw nitong si Tili ay ang anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Si Nico Bolzico ay isang Argentinean Business Executive mula sa Esperanza, Santa Fe, Argentina. Siya ang founder ng LM10 at Siembra Directa Corp.
Ang kanyang bayaw na si Erwan Heussaff naman ay isang Filipino-French na content creator na nakilalal sa kanyang vlogs tungkol sa food, traveling, at fitness. Asawa siya ng Kapamilya star na si Anne Curtis at nakababatang kapatid ni Solenn Heussaff.
Sina Nico at Erwan ay malapit sa isa't-isa. Sa katunayan, marami sa kanilang mga social media posts ay magkasama sila. Matatandaang nag-viral ang kanilang video kung saan ginaya nila ang ilang couple yoga poses.
Kinaaliwan kamakailan ang reaksiyon ni Nico sa kanyang anak na si Thylane na gustong halikan ang anak ni Georgina Wilson.
Source: KAMI.com.gh