Baron Geisler, inaming gusto ng misis niyang si Jamie Evangelista ng annulment

Baron Geisler, inaming gusto ng misis niyang si Jamie Evangelista ng annulment

- Umaasa si Baron Geisler na muli pa nilang maayos na mag-asawa ang kanilang pagsasama

- Magkahiwalay sila ng tinitirhan sa kasalukuyan ayon kay Baron habang sumasailalim siya sa recovery process na konsepto ng Alcoholics Anonymous

- Humiling din siya sa Viva Films na producer ng mga Vivamax content na sana ay gumawa ng pelikulang nagpo-promote ng family values

- Aniya, salungat sa kanyang paniniwala at imahe bilang isang family man ang kanyang pagganap sa pelikula

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inamin ni Baron Geisler na gusto ng misis niyang si Jamie Evangelista ng annulment. Umaasa si Baron Geisler na muli pa nilang maayos na mag-asawa ang kanilang pagsasama.

Baron Geisler, inaming gusto ng misis niyang si Jamie Evangelista ng annulment
Baron Geisler at Jamie Evangelista (@baron.geisler)
Source: Instagram

Sa presscon ng Vivamax Summer Campaign, inamin ng aktor na magkahiwalay ang kanilang tinitirhan ng kanyang asawa. Kasunod ito ng kontrobersiyal nilang pagtatalo na nakita sa video na naibahagi sa social media.

Read also

Toni Fowler, humingi ng dispensa sa mga Muslim na na-offend sa kanya

Kasalukuyan din siyang sumasailalim sa recovery process na konsepto ng Alcoholics Anonymous upang malabanan ang kanyang alcohol addiction.

“Hopefully, we can soon be back together when emotions are less raw,”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Baron, naninirahan siya ngayon sa bahay ng isa kanilang sponsor ni Jamie na kasamahan nila sa fellowship.

Humiling din siya sa Viva Films na producer ng mga Vivamax content na sana ay gumawa ng pelikulang nagpo-promote ng family values. Aniya, salungat sa kanyang paniniwala at imahe bilang isang family man ang kanyang pagganap sa pelikula.

“Invest in acting workshops and character development. It is contradictory to my beliefs as a Christian and my image as a transformed family man. I am not proud of it and it’s taking a toll on my marriage, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all!

Read also

Bea Rose Santiago, todo-pasalamat sa kapatid na nag-donate ng kidney sa kanya

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na artista sa Pilipinas. Kamakailan lamang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas ngayon dahil sa pandemya.

Kamakailan lang ay naging laman ng balita ang pagtatapos ni Baron sa kolehiyo. Ito ay matapos mag-viral ang video ng pagtatalo nila ng kanyang misis. Binura din ito kaagad ngunit naibahagi ni Jamie na muling bumalik ang alcohol addiction ng aktor.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel