Cristy Fermin kay Diego Loyzaga: "Ikaw ang bukod-tanging Loyzaga na bastos"

Cristy Fermin kay Diego Loyzaga: "Ikaw ang bukod-tanging Loyzaga na bastos"

- Hindi nakapagtimpi si Cristy Fermin sa ginawang pag-atras ni Diego Loyzaga sa 'Cristy Ferminute' interview niya

- Ani Cristy, nakita lang daw nito ang teaser tungkol sa tanong kung totoong isa na siyang ama

- Ani Cristy, paano pala kung wala silang nakahandang materyales dahil inilaan nila ang oras sa kanya

- Binanggit pa sa programa ang mga sikat na kaanak ni Diego na ani Cristy ay hindi bastos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakapagtimpi si Cristy Fermin sa ginawang pag-atras ni Diego Loyzaga sa Cristy Ferminute interview niya. Ani Cristy, nakita lang daw nito ang teaser tungkol sa tanong kung totoong isa na siyang ama.

Cristy Fermin kay Diego Loyzaga: "Ikaw ang bukod-tanging Loyzaga na bastos"
Cristy Fermin, naglabas ng saloobin kay Diego Loyzaga na umatras sa panayam nila (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Ani Cristy, ikinatwiran daw ni Diego na hindi na makapasok si Diego kaya hindi na ito nakapanayam sa naturang programa.

Read also

Rendon Labador kay Zack Tabudlo: "Punta ka sakin, palalakasin ko mindset mo"

Aniya, noong Marso ay nagpunta si Diego sa konsulado ng Peth sa Australia at may kasama daw itong babaeng nagdadalang-tao.

Pwede naman daw niyang sabihin kung ayaw niyang mapag-usapan ang kanyang personal na buhay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi mo ba alam kung gaano katinding abala ang ginawa mo sa amin kahapon? Paano kung wala pala kami nakahandang materyales dahil inilaan namin sa'yo ang panahon. Paano kung kami pala ay mangangarag? Bigla kang umalis. Makalawang beses mo na yang ginawa sa amin, Diego Loyzaga.

Binanggit pa sa programa ang mga sikat na kaanak ni Diego na ani Cristy ay hindi bastos.

Diego wala ka pa sa posisyon na pupuwede mong gawin ang ganyan. Ang pamilya mo ay mahal ko. Ang nanay mo ay mahal ko. Kahit minsan sinuman sa pamilya Loyzaga, wala akong kinakitaan ng kabastusan. Ikaw ang bukod-tanging Loyzaga na bastos. At iyan ay kaya kong panindigan kahit saan tayo makarating. Dalawang beses mo nang ginawa yan, hindi na yan mauulit Diego Loyzaga.

Read also

Cristy Fermin, naniniwalang mayroon umanong espiya sa Eat Bulaga

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ng karelasyong si Diego sa loob ng mahigit isang taon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y paghihiwalay nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel