Bea Alonzo, pinagpatayo ng gym ng kanyang ina sa kanilang farm

Bea Alonzo, pinagpatayo ng gym ng kanyang ina sa kanilang farm

- Bukod sa kanyang binahaging virtual tour sa kanilang chapel sa kanilang farm sa Zambales, pinakita din ni Bea Alonzo ang kanilang bagong gym

- Ayon sa ina ni Bea, kaya niya naisipang magpagawa ng gym ay para kapag naroroon si Bea ay makapag exercise pa rin ito

- Sinasabi daw kasi ng anak niya na tumataba siya kapag naroroon siya sa kanilang farm

- Marami naman ang humanga sa pagiging masinop at masipag ng ina ni Bea pagdating sa mga gawain sa farm

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa ina ni Bea Alonzo, sinasabi daw ni Bea na tumataba siya kapag naroroon siya sa kanilang farm. kaya naman, pinagpatayo nito ng gym si Bea.

Bea Alonzo, pinagpatayo ng gym ng kanyang ina sa kanilang farm
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Ayon kay Bea, maliit lang ito na version ng kanyang gym sa kanyang bahay. Gayunpaman, functional naman daw ito. Inisa-isa ni Bea ang mga gamit na nilagay nila sa kanilang gym.

Read also

Vlogger na si Kween Yasmin, mapapanood na rin sa campaign rally ng 'Kakampink'

Kabilang dito ay ang equipment para makapag-exercise din ang ina niya na matagal nang hindi nakakalakad.

Maging ang kanyang kapatid na si James ay palagi daw nag-eexercise sa kanilang gym.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang humanga sa pagiging masinop at masipag ng ina ni Bea pagdating sa mga gawain sa farm:

Bea kudos to your mom inspite sa immobility nya she managed your farm really welll..but sana mas happy xa if makakalakad xa...ang laki kasi ng farm ..it's a good execise for her pra mag ka healthy heart...may pera kayo bea mag hire ka kaya ng nutritionist for your mom's healthy foods
Nakakainspire po kayo lalu na po c mother..ang lawak po ng isip nya ..sobrang ganda po ng farm nyo
Perfect mother and daughter combo po kayo, kahit sinong ina at kahit sinong anak ay papangarapin po yung hardship na tinahak niyo dahil sobrang worth it po

Read also

Pinay actress sa mga K-Drama, sinabing walang Oppa in real life

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel