Cristy Fermin, todo puri ang kagandahan at pag-uugali ni Angel Aquino

Cristy Fermin, todo puri ang kagandahan at pag-uugali ni Angel Aquino

- Todo puri ni Cristy Fermin ang ganda at pag-uugali ng aktres na si Angel Aquino

- Aniya, mapa-lalake man o tibo ay talaga namang hahanga sa kagandahan ng aktres

- Nabanggit din ni Cristy ang talino ni Angel at pagiging marespeto nito

- Una nang pinuri ni Cristy ang aktres na si Bea Alonzo na aniya'y naalagaan talaga ang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Puring-puri ni Cristy Fermin ang "Ang Probinsyano" aktres na si Angel Aquino.

Nalaman ng KAMI na isa umano si Angel sa mga pangalang nabanggit nina Cristy, Romel Chika at Morly Alino na nababalita 'di umano'y miyembro ng LGBT community.

Cristy Fermin, todo puri ang kagandahan at pag-uugali ni Angel Aquino
Angel Aquino (@angelaquino.ofp)
Source: Facebook

Gayunpaman, maraming magagandang bagay tungkol kay Angel ang nabanggit ng tatlong host ng YouTube channel na 'Showbiz Now Na!"

"Napakaganda nito," ani Romel na sinegundahan naman ni Morly ng "Ang ganda ng mukha."

Read also

Bianca Gonzales, matapang na sinabihan ang umano'y naninira sa Pamilya Robredo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sobra, lalake, tibo... Ang ganda naman kasi ni Angel Aquino. Parang ang sarap niyang mahalin," ayon naman kay Cristy.

Ayon pa kay Morly, masarap ding ma-interview si Angel gayung marespeto raw talaga ito.

Bukod sa magandang mukha at magandang pag-uugali, sinabi rin nilang matalino ang aktres na mapapanood sa 'FPJ Ang Probinsyano.'

Narito ang kabuuan ng chikahan nina Cristy, Romel at Morly sa YouTube channel nilang 'Showbiz Now Na!'

Si Cristy Fermin is a veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Read also

Toni Gonzaga, 'di umano makapaniwalang aso ang nagsalba ng buhay ni Robin Padilla

Kamakailan, isa rin sa mga pinuri ni Cristy Fermin pagdating sa kagandahan ay ang aktres na si Bea Alonzo.

Taliwas sa 'di umano'y komento ng iba na tila alangan na ang aktres sa makakapareha nito sa Kapuso network adaptation ng Korean series na 'Start Up,' hanga pa rin si Cristy sa ganda ng aktres para sa edad nito.

Kapansin-pansin daw umano ang pag-aalaga nito sa sarili at hinangaan din nila ang pangkabuhayan ni Bea na kitang-kita ang lawak at ganda ng farm nito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel