Robin Padilla, naluha nang inalala ang buhay niya noon sa Bilibid
- Naluha si Robin Padilla nang inalala niya ang naging buhay niya noon sa Bilibid
- Taliwas sa inakala niyang sakitan at kaguluhan, doon umano siya natutong maging madasalin
- Hindi rin niya makakalimutan kung paano siya binahaginan ng mga bible verses ng mga kapwa niya inmates sa unang mga araw pa lamang niya roon
- Matatandaang 1994, nakulong ang tinguriang 'Bad Boy' ng Showbiz sa kasong illegal possesion of high powered firearms
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi napigilang maluha ni Robin Padilla nang inalala niya ang naging buhay noon sa Bilibid.
Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa naibahagi niya sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga.
Taliwas sa inaasahang buhay niya sa bilangguan, doon pa siya natutong maging madasalin.
"Pagpasok ko ng selda, 'alika ka rito' sabi nung mayor. Kalbo yung mayor e, si Mayor Bunsoy. Laki, laking tao kalbo. 'Eto na gulpihan na 'to. Maupo ka dito sa gitna, gitna e. Tinitingnan ko ngayon 'yung mga mukha nito, naku! 60 sila e. Dito ka lumuhod ka, naku! Eto na yata. Pinaluhod ako, 'yun pala Born Again. Pray-over nila ako, ganun. Dasal sila, so umiyak ako. Kasi mali lahat ng konsepto ko. Naiyak talaga ako nung pinagdadasal nila ako.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"E parang binuhusan ako ng malamig na tubig e. Iniisip ko away, iniisip ko hindi! Very religious sila. Pagkatapos ng dasal may mga pagkain. winelcome ako," naiiyak na sinabi ni Robin na kumuha na talaga ng tissue upang pahiran ang kanyang luha.
Taong 1994 nang sumuko si Robin Padilla sa mga awtoridad upang harapin ang kasong illegal possesion of high-powered firearms. Imbis na sana'y 17-21 na taong pagkakakulong, taong 1998 ay tuluyan na siyang nakalaya dahil sa conditional pardon. 2016 naman nang mabigyan siya ng absolute pardon.
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa YouTube channel na Toni Gonzaga Studio:
Si Robin Padilla ay isa mga kilalang action star at endorser sa bansa. Siya ay kasal sa TV host-actress na si Mariel Rodriguez-Padilla. Nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Si Robin din ang ama ng GMA aktres na si Kylie Padilla.
Kasalukuyang tumatakbo sa pagka-senador si Robin para sa darating na Halalan sa Mayo 2022. Marami ang kumpiyansang mananalo umano ito gayung marami ang nakakakilala sa kanya.
Isa sa hayagang nagbigay ng suporta kay Robin ang social media personality na si Jam Magno. Ayon kay Jam, nakita niya kung gaano ka-busy si Robin sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.
Sa tindi umano ng pagtulong ni Robin, napansin ni Jam na maging ang Pasko at Bagong Taon ay isinakripisyo nito na makasama ang pamilya para lang tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga hindi pa natin nakakabangong mga kababayan dahil kay 'Odette'.
Source: KAMI.com.gh