Sylvia Sanchez, naapektuhan sa akusasyong gagamitin lang ni Arjo si Maine

Sylvia Sanchez, naapektuhan sa akusasyong gagamitin lang ni Arjo si Maine

- Sa isang episode ng Showbiz Now nay! ni Cristy Fermin, natalakay nila ang tungkol sa bashing kay Arjo Atayde

- Ito ay dahil sa alegasyon ng ilang fans na gagamitin lang umano ni Arjo si Maine sa kanyang pagtakbo sa politika

- Naiyak umano ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez lalo na sa mga banat na uubusin lang ni Arjo ang pera ni Maine

- Abot-abot naman umano ang paghingi ng dispensa ni Maine sa pamilya ni Arjo dahil marami sa mga bashers ay fans ng tambalan nila ni Alden Richards

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Cristy Fermin, iniyakan ni Sylvia Sanchez ang banat ng mga bashers na uubusin lang ni Arjo Atayde ang pera ni Maine. Mendoza May mga nagsasabi pang ginagamit lang ni Arjo si Maine lalo at tatakbo ito sa daarating na halalan.

Read also

Leni Robredo, hindi naapektuhan ng bashers ayon sa mga anak na sina Aika at Tricia

Sylvia Sanchez, naapektuhan sa akusasyong gagamitin lang ni Arjo si Maine
Arjo Atayde (@arjoatayde)
Source: Instagram

Ayon pa kay Nay Cristy, hindi naman tama na sabihing ginagamit ni Arjo si Maine dahil may kaya naman sa buhay ang pamilya ni Arjo.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Arjo na hinding-hindi niya dadalhin si Maine sa kanyang pangangampanya. Ayon pa kay Cristy, humingi ng dispensa si Maine sa pamilya ni Arjo dahil karamihan sa mga bashrs na ito ay mga fans ng tambalang AlDub.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

May mga hindi pa umano maka-move on sa tambalan at may nagsabi pang may anak umano sina Maine at Alden Richard. Ayon pa kay Cristy, hindi naman ito posible dahil hindi niya kailanman nakitang nagbuntis si Maine.

Samantala, naunang nang sinabi ni Arjo Atayde na napag-uusapan na nila ng kanyang girlfriend na si Maine Mendoza ang usaping pagpapakasal. Ito ay kanyang ibinahagi sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao.

Read also

Video ni VP Leni na pinapanhik sa stage ang nag-request ng "mother's hug", viral

Nabanggit niya ring na nasa tamang edad na siya at parehas silang masaya sa isa't-isa. Aniya, sana ay hanggang sa kanilang pagtanda na.

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbati ni Arjo sa kanyang kasintahang si Maine Mendoza. Nauna na ring sinabi ni Arjo na binago ni Maine ang kanyang ugali at buhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel