Andi Eigenmann sa netizen na nagsabing my baby bump siya: "Thats my postpartum bump, dear"
- Sa kanyang ibinahaging mga litrato, kung saan inihayag niya ang pananabik na makauwi sa Siargao, ilang netizens ang nag-akalang buntis uli si Andi
- Nilinaw naman ni Andi na hindi iyon baby bump kagaya ng inakala nila kundi iyon postpartum bump
- Agad namang humingi ng dispensa ang isa sa mga netizens at sinabing na-excite lang daw siya sa posibilidad na magkakaroon uli ng bagong baby si Andi
- Matatandaang Enero noong nakaraang taon nang manganak si Andi sa kanyang ikatlong anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Todo-hingi ng paumanhin ang isa sa ilang mga netizens na nagkomento sa isa Instagram post ni Andi Eigenmann. Sa kanyang ibinahaging mga litrato, kung saan inihayag niya ang pananabik na makauwi sa Siargao, ilang netizens ang nag-akalang buntis uli si Andi.
After all, it is still this life that I yearn for and dream about everyday. Can't wait to come home.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nilinaw naman ni Andi na hindi iyon baby bump kagaya ng inakala nila kundi iyon postpartum bump. Agad namang humingi ng dispensa ang isa sa mga netizens at sinabing na-excite lang daw siya sa posibilidad na magkakaroon uli ng bagong baby si Andi.
sorry mommy happy lang naman po at na excite sana if merong new baby, sorry po talaga
Meron din namang kagaya ni Andi na ina ang naka-relate sa pagkakaroon ng postpatum bump:
I have the same and proud of it building a family, having children are the best thing that happend in my life. And I can sure see that in you too andi, i can feel your happiness.
Matatandaang Enero noong nakaraang taon nang manganak si Andi sa kanyang ikatlong anak. Ito ang ikalawang anak nila ni Philmar Alipayo na kasunod ng anak nilang si Lilo.
Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.
Kamakailan, naging usap-usapan din ang ibinahagi ni Philmar Alipayo sa social media nang mapag-tripan niyang asarin si Andi.
Nag-viral din ang update na ibinahagi nina Philmar at Andi tungkol sa pinapatayo nilang bahay sa Siargao.
Source: KAMI.com.gh