Anna Feliciano, may pahiwatig tungkol sa pagtatapos at bagong simula
- Matapos ilabas ng GMA-7 ang pahayag kaugnay sa pagtapos ng kontrata ni Willie Revillame sa kanila, marami sa mga viewers ng Wowowin ang nanghinayang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
- May mga lumabas na espikulasyon na lilipat ng estasyon si Willie dahil sa hindi pagkakarenew ng kanyang kontrata
- Kasunod ng mga posts ni Anna Feliciano, isa sa mga matatagal nangnagtatrabaho kay Willie, lumabas ang espikulasyong maaring sa TV station ng dating senador na si Manny Villar
- Hiling din ni Feliciano na sana ay huwag silang iwan ng mga tumangkilik sa kanilang programang Wowowin
Base sa kanyang mga Facebook posts nitong nakaraang araw, nagpahiwatig si Anna Feliciano ng bagong simula para sa Wowowin. Ito ay matapos ilabas ng GMA-7 ang pahayag kaugnay sa pagtapos ng kontrata ni Willie Revillame sa kanila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
May mga lumabas na espikulasyon na lilipat ng estasyon si Willie dahil sa hindi pagkakarenew ng kanyang kontrata. Hiling din ni Feliciano na sana ay huwag silang iwan ng mga tumangkilik sa kanilang programang Wowowin.
When something ends, something starts. Sana hindi nyo kami iwan.
Ibinahagi niya rin ang anunsiyo tungkol sa job opening sa TV station na AMBS o Advanced Media Broadcasting System, Inc. Base sa Facebook page nito, pag-mamay-ari umano ng dating senador na si Manny Villar ang naturang TV station.
Napabalik-tanaw din si Anna sa pagsisimula ng Wowowin.
Parang kahapon lang ay nag-sscreen pa ako ng dancers para sa pilot episode ng Wowowin sa GMA7. Kaybilis ng panahon, after almost 7 years, maghahanap na naman ako ng dancers. This time, for a different show/network. Sana ay samahan nyo pa rin kami sa aming magiging bagong tahanan.
Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.
Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.
Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.
Source: KAMI.com.gh