Lyca Gairanod, sinorpresa ang kanyang lola sa ika-87 nitong kaarawan

Lyca Gairanod, sinorpresa ang kanyang lola sa ika-87 nitong kaarawan

- Sinorpresa ni Lyca Gairanod ang kanyang pinakamamahal na lola sa ika-87 nitong kaarawan

- Inakala ng kanyang lola na wala siyang handa ngunit nang umuwi ito sa kanyang bahay ay naroon ang sorpresang inihanda ng kanyang apo

- Naging emosyonal pa ito nang may kausap sa cellphone dahil sa hindi nito pagpunta ng kausap niya sa kanyang kaarawan

- Pinasalamatan naman siya ni Lyca sa lahat ng pag-aalaga at pagmamahal nito sa kanya mula nang maliit pa lamang siya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagdiriwang ng ika-87 na kaarawan ng lola ni Lyca Gairanod, isang sorpresa ang kanyang inihanda. Inakala ng kanyang lola na wala siyang handa ngunit nang umuwi ito sa kanyang bahay ay naroon ang sorpresang inihanda ng kanyang apo.

Lyca Gairanod, sinorpresa ang kanyang lola sa ika-87 nitong kaarawan
Lyca Gairanod (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Sa isang bahagi ng video, makikita ang kanyang lola na may kausap. Mangiyak-ngiyak ito dahil hindi umano nakapunta ang taong kanyang kausap.

Pinasalamatan naman siya ni Lyca sa lahat ng pag-aalaga at pagmamahal nito sa kanya mula nang maliit pa lamang siya. Aniya, isa ang kanyang lola sa mga taong naging inspirasyon niya upang magsikap para sa kanyang mga pangarap.

Marami ang naantig sa pagpapahalaga ni Lyca sa kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Happy Birthday sa Lola mo beautiful Lyca. You are so sweet to your Lola Very nice surprise for her. Your Lola is so kind, may she have many many more birthday's to celebrate.
Happy birthday po.. Nakaka tuwa mahal na mahal ni Lyka Ang lolo nya.. naluha ako sa Ganda Ng binigay nya bday message.
Lyca i really love you dahil mapagmahal kang bata. More power God bless.

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1.

Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Bago pa man siya sumikat ay nag-viral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel