Lotlot de Leon, umalma sa mga diskriminasyon sa mga kagaya niyang adopted child
- Matapos ang kanyang pagsagot kamakailan sa basher na nagpamukha sa kanya na adopted lamang siya, isang mensahe ang ibinahagi ni Lotlot de Leon
- Kaugnay ito sa mga pinagdadaanan ng kagaya niyang adopted child at ang mga diskriminasyon sa kagaya nila
- Inudyukan niya ang mga taong nakaranas ng deskriminasyon dahil sa pagiging adopted nila na wala silang dapat ikahiya
- Marami naman sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang mensahe ng pagsuporta sa aktres at sa lahat ng kagaya niya na nakararanas din ng diskriminasyon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa isang Instagram post, inihayag ni Lotlot de Leon ang kanyang saloobin sa diskriminasyon na nararanasan ng mga adopted child na kagaya niya. Matatandaang kamakailan ay sinagot ni Lotlot ang isang basher na nagpamukha sa kanya na adopted lamang siya.
Inudyukan niya ang mga taong nakaranas ng deskriminasyon dahil sa pagiging adopted nila na wala silang dapat ikahiya.
For those who are like me, never be ashamed of where you came from and your story! Continue to live your life because this is percent yours! Love those who truly love you!
Sinabi niya rin na nagpapasalamat siya sa mga naging karanasan niya dahil ito ang humubog sa kanyang pagkatao.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Yes I am adopted and yes I am also human! I am not a commodity, I am my own person who have feelings too. I am grateful for many things in my life. I am grateful for all the good and bad things that I have been through because those are what molded me to be who I am today! I accept what was and what is! I will keep on moving forward owning this life that was given to me.
Si Lotlot de Leon o Charlotte Jennifer de Leon-El Soury sa totoong buhay ay sumikat nang maging bahagi ng That's Entertainment, kung saan naipareha siya kay Ramon "Monching" Christopher. Pumatok ang tambalan nila noong dekada 80. Ilan sa mga pelikula kung saan naitambal sila ay Bunsong Kerubin (1987), Love Boat: Mahal Trip Kita (1988), Love Letters (1988), Here Comes the Bride (1989), Mga Kuwento ng Pag-big (1989) Hotdog (1990) at marami pang iba.
Ikinasal siya kay Monching Gutierrez noong March 27, 1989 at nagkahiwalay sila noong 2010. Muling ikinasal si Lotlot kay Fadi El Soury noong December 17, 2018.
Samantala, ang anak ni Lotlot na si Janine Guttierez ay naging usap-usapan kamakailan kasunod ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ng boyfriend nitong si Rayver Cruz. Para naman kay Lotlot ay hindi niya i-pe-pressure ang anak niya na magpakasal.
Source: KAMI.com.gh