Heart Evangelista, todo-explain kay Chiz Escudero kaugnay sa kanyang mga bag

Heart Evangelista, todo-explain kay Chiz Escudero kaugnay sa kanyang mga bag

- Sa isang Instagram post ni Heart Evangelista, pinakita niya ang kanyang pangmalakasang OOTD

- Makikita sa isang bahagi ng video ang kanyang mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero na dumaan habang nagtatanong sa kanya

- Napansin nito na tila marami pa rin ang bags ni Heart at pinaalalahanan nito ang misis na makakabili lamang siya ng bagong bag pag nakabenta siya

- Todo-paliwanag naman si Heart sa mister at sinabi niyang inayos lamang niya ang mga bag para makapagbenta na siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa Instagram post ni Heart Evangelista kung saan makikitang nagsusuot siya ng kanyang pangmalakasang OOTD. Sa kalagitnaan ng video at makikita ang kanyang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero na dumaan.

Heart Evangelista, todo-explain kay Chiz Escudero kaugnay sa kanyang mga bag
Heart Evangelista, wearing a tan leather long shirt, Louis Vuitton mini skirt, blue and beige checked coat, beige boots and printed bag, during Paris Fashion Week (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Nagtanong ito kung naayos na daw ba ang ilaw at sinagot naman siya ni Heart. Kasunod nito ay pinuna ni Chiz ang mga bags ni Heart. Napansin nito na tila dumami umano ang mga bags ng misis.

Read also

Lalaking 30 taon nang paralisado ngunit nagtatrabaho pa rin, dinagsa ng tulong

Pinaalalahanan siya nito na makakabili lamang siya ng bagong bag kapag nagbenta siya ng ilan sa kanyang bag.

Paliwanag naman ni Heart, inayos lamang niya aang kanyang mga bag at magbebenta daw talaga siya. Makikita sa mukha ni Heart na tila todo-effort siya na magpaliwanag. Base naman sa paliwanag ni Heart, maari lamang siyang bumili ng bagong bag kapag nag-upgrade siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kailangan umano muna niyang ibenta ang mga bag na hindi na niya talaga masyadong gusto.

Pabiro pang sinabi ni Heart na mag-lo-lock na siya ng pinto sa susunod.

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Read also

Madam Inutz, excited na inanunsyo ang lalabas na music video ng bago niyang kanta na 'Marites'

Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis. Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha.

Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel