Marjorie Barretto, pinasilip ang kanyang "clutter-free" kitchen

Marjorie Barretto, pinasilip ang kanyang "clutter-free" kitchen

- Pinasilip ni Marjorie Barretto ang kanyang kusina na umani ng mga komento sa kanyang mga viewers

- Aniya, mayroong mga nagsasabing parang imposibleng walang nakapatong-patong na gamit sa kanyang kusina

- Paliwanag naman ni Marjories, nang pinarenovate nila ang kanyang kusina ay sinigurado niyang may lagayan ang lahat ng kanyang mga gamit

- Pinakita niya kung gaano kaayos ang kanyang mga gamit sa kausina na aniya ay alam na alam niya kung saan nakalagay ang lahat ng gamit niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani Marjorie Barretto, nang pinarenovate nila ang kanyang kusina ay sinigurado niyang may lagayan ang lahat ng kanyang mga gamit. Ito ang kanyang naging paliwanag sa komentong parang imposibleng walang nakapatong-patong na gamit sa kanyang kusina.

Marjorie Barretto, pinasilip ang kanyang "clutter-free" kitchen
Marjorie Barretto, pinasilip ang kanyang "clutter-free" kitchen (@marjbarretto)
Source: Instagram

Sa naturang vlog ay pinasilip ni Marjorie ang kanyang mga gamit sa kusina na siya din mismo ang halos gumagamit dahil siya ang mahilig magluluto sa kanilang bahay. Aniya, alam na alam niya kapag nababago ang ayos niya sa kanyang kusina dahil alam niya ang lagayan ng lahat ng gamit nila sa kusina.

Read also

Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago

Si Marjorie Barretto ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Bukod sa kanilang husay sa pag-arte, naging usap-usapan ang gulo na namagitan sa kanilang pamilya na tumagal na ng maraming taon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-post si Marjorie ng isang menahe para sa anak na si Julia Barretto matapos ang muling pag-ingay ng pangalan nito dahil sa post ng ama niyang si Dennis Padilla. Ani Marjorie, ang kanyang pagmamahal kay Julia ay maasahan niya at poprotekta sa kanya. Aniya, proud siya sa kanyang anak at maituturin niyang siya ay pinagpala na si Julia ang kanyang anak. Sa kabila ng mga pangyayari, nagpapasalamat pa rin umano sila sa lahat ng magagandang bagay na dumadating sa kanila.

Kamakailan ay nagbahagi si Maricel Soriano ng TikTok video kung saan kasama niyang humataw sina Marjorie at ang mga anak nito. Tanging si Julia Barretto lamang ang hindi nakasama sa naturang video na kuha sa mismong bahay ni Marjorie. Sa nailabas na vlog ng Diamond star ay pumunta siya sa bahay ni Marjorie at nag-ref raid pati na rin tumikim ng luto ni Marjorie. Marami sa followers ni Maricel ang natuwa na nakikipag-collab siya sa maraming artista lalo at hindi siya masyadong napapanood sa telebisyon sa kasalukuyan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel