Pokwang, inalala ang namayapang anak: "'Di ako nakauwi pero ang sama-sama ng loob ko"
- Hanggang ngayon ay hinding-hindi pa rin nakakalimutan ni Pokwang ang panahong iniwan na siya ng anak na lalaking si Shin
- Muli niyang naibahagi ito sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na napansing may kwarto pa rin si Shin sa bahay nina Pokwang
- Mapait kay Pokwang ang nangyari lalo na at hindi niya kasama ang anak sa mga huling araw nito
- Gayunpaman, lagi pa rin niyang kinakausap ang larawan ni Shin na minsa'y nadadalaw pa raw siya sa kanyang panaginip
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matindi pa rin ang paghagulhol ni Pokwang habang ikinikwento niya sa kaibigang si Ogie Diaz ang pagpanaw ng kanyang baby boy na si Shin.
Nalaman ng KAMI na ito ay noong panahong OFW pa si Pokwang at sa kasamaang palad ay hindi nakauwi sa mismong libing ng anak na nasa limang taong gulang pa lamang.
Inalala muli ng komedyante ang mga araw na iyon dahil sa napansin ni Ogie Diaz na binigyan pa rin ni Pokwang ng kwarto ang baby boy niyang ito sa kanilang tahanan kahit hindi na niya ito kapiling.
"Kahit saan kami lumipat na bahay lagi siyang may sariling kwarto," pahayag ni Pokwang.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Naikwento nitong nagkaroon umano ng tumor sa utak ang anak na noong nakausap pa niya ito noong nabubuhay pa sa mismong kaarawan niya, nasambit ng bata na masakit ang kanyang ulo.
"Birthday ko kausap ko siya, sariwa pa 'yung boses niya rito... sabi lang niya 'mama may ano, may masakit. ulo,ulo masakit'," buong tapang na naikwento ni Pokwang.
Nakalikom na sana si Pokwang ng pampa-opera sa anak ngunit sa kasamaang palad, ang perang ito ay ginamit na lamang upang mabigyang ng maayos na libing ang anak.
"Hindi ako nakauwi kasi ang sama-sama ng loob ko kasi gustong-gusto ko siyang masamahan sa huling oras niya, kasi nga sabi ng kapatid ko tinatawag 'yung pangalan ko" paliwanag ni Pokwang gayung noo'y hindi pa siya artista kaya naman wala rin siyang naging pamasahe pabalik ng Pilipinas.
Gayunpaman, madalas pa rin na kinakausap ni Pokwang ang larawan ng anak at madalas pa rin niya itong napapanaginipan na nasa mabuti nang kalagayan.
Narito ang kabuuan ng kanyang nakakaantig ng pusong kwento mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz:
Si Marietta Subong o mas kilala bilang si "Pokwang" ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer at endorser. Ilan sa mga programa kung saan siya naging host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey.
Sa naturang interview din sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento ni Pokwang kung paano umano siya natakbuhan ng halagang Php58,000 na gagamitin niya sana para sa bagong negosyo.
Masama man ang loob sa nangyari subalit mas nangibabaw pa rin sa kanya ang awa nang makita ang kalagayan ng taong nanloko umano sa kanya.
Source: KAMI.com.gh