Maricel Soriano, pinakita ang kanyang mga paboritong sapatos

Maricel Soriano, pinakita ang kanyang mga paboritong sapatos

- Bilang kilala sa kanyang sosyaling mga OOTD, marami ang natuwa sa panibagong video na binahagi ni Maricel Soriano

- Naibahagi niyang mahilig siya sa flats ngunit may mga pagkakataon naman umanong nagsusuot din siya ng heels

- Marami din sa kanyang mga sapatos ay mula sa mga mamahaling brands ng sapatos na kilala sa buong mundo

- Hindi niya rin pinagkaila na ilan sa kanyang mga sapatos ay masakit sa paa ngunit kadalasan umano ay tiis ganda siya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nahilig sa classic na mga disenyo si Maricel Soriano pagdating sa kanyang mga kinahihiligang sapatos. Sa bagong video na kanyang ibinahagi, karamihan sa mga sapatos niya ay mababa lamang. Mayroon ding iilan na mataas ang takong ngunit ayon sa Diamond star, hilig niya talaga ang mga flats na sapatos.

Maricel Soriano, pinakita ang kanyang mga paboritong sapatos
Maricel Soriano (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Marami din sa kanyang mga sapatos ay mula sa mga mamahaling brands ng sapatos na kilala sa buong mundo. Hindi niya rin pinagkaila na ilan sa kanyang mga sapatos ay masakit sa paa ngunit kadalasan umano ay tiis ganda siya pag ganoon.

Read also

Wil Dasovich, nagbahagi ng nakakaantig na mensahe sa kanyang vlog sa Nepal

Narito ang ilan sa komento ng kanyang mga fans:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakita kana sa personal ng kapatid ko bago lang,sabi niya sobrang ganda ni inay at yong mata niya nakakaakitat sabi niya sa akin hindi halatang 56 yong idol mo mas bata tingnan sa personal, Sinabihan ka niya na idol kita nag thank you ka sabi niya kaya masaya narin ako Inay napatalon talaga ako sa tuwa I love you po mag ingat ka lagi.
Nice shoes po. The way you presented your expensive shoes ay very humble po unlike other na parang ipa flaunt lahat that they have this and that. Iba ka talaga idol. Your different revelations about your life make me love you more po.
I love that she have these expensive shoes pero the way she show it to us is hindi bragging. Humble parin. Parang nahihiya pa siya to tell the brand names. I love you Inay. Sana next po is bags naman.

Read also

Lolit Solis, puring-puri ang acting ni Paolo Contis sa bago nitong serye

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Kamakailan ay nakasama si Maricel sa vlog ng kanyang pamangkin na si Meryll Soriano. Kinaaliwan ang kanilang ibinahaging TikTok video.

Hindi naitago ni Maricel ang kanyang pagkagiliw sa dalawang apo sa pamangking si Meryll.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel