Niña Jose-Quiambao, diretsahang inaming selosa siya kahit kasal na sila ng asawa

Niña Jose-Quiambao, diretsahang inaming selosa siya kahit kasal na sila ng asawa

- Sa kanilang pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary, sumabak ang mag-asawang Niña Jose at Mayor Cezar Quiambao sa Lie Detector Challenge

- Nagsalitan ang mag-asawa na magtanungan at kapag nanalo si Niña ay dadalhin umano siya ng asawa sa Manila Peninsula

- Isa sa mga naitanong sa dating aktres ay kung nagseselos pa din daw ba ito kahit kasal na sila ng kanyang mister

- Diretsahang inamin ni Niña na selosa pa rin siya at nagseselos sa ibang babae kahit apat na taon na silang kinasal

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakasama ni Niña ang kanyang mister na si Mayor Cezar Quiambao sa kanyang pinakabagong vlog. Sa kanilang pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary ay sumabak silang dalawa sa Lie Detector Challenge.

Niña Jose-Quiambao, diretsahang sinabing selosa siya kahit kasal na sila ng asawa
Niña Jose Quiambao (@therealninajosequiambao)
Source: Instagram

Kagaya sa ginagamit ng karamihan sa ganitong challenge, gumamit sila ng laruan. Nagsalitan ang mag-asawa na magtanungan at kapag nanalo si Niña ay dadalhin umano siya ng asawa sa Manila Peninsula.

Read also

Niña Jose-Quiambao, sinabing gustong ipa-tattoo ang pangalan ng asawa

Isa sa mga naitanong sa dating aktres ay kung nagseselos pa din daw ba ito kahit kasal na sila ng kanyang mister. Diretsahan namang inamin ni Niña na selosa pa rin siya at nagseselos sa ibang babae kahit apat na taon na silang kinasal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens:

I love your videos & how you love each other so much. Happy Anniversary. God Bless!
Happy Anniversary to you both. You are a good example to all couples that you have always been love and support each other. I've always been amused and look at how cute you are Mam Mayora Niña. Napakajolly niyo pong panoorin. Thank you po ulit Mayor and Mayora.
I like this couple so much.. Stay inlove.. Me and my love also he is 24 years older than me.. But we love each other very much

Read also

Mayor Cezar Quiambao, sinabing naiinggit lang ang mga taong nanghuhusga sa relasyon nila ng misis

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006.

Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Noong buwan ng Marso ay kinompirma ni Mayor Quiambao na nag-positibo silang mag-asawa sa COVID-19. Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi niyang maayos na ang kalagayan nilang mag-asawa matapos makatanggap ng karampatang pangangalagang medical mula sa mga doktor.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel