Ellie Ejercito, kinabiliban sa kanyang pagiging maalagang ate

Ellie Ejercito, kinabiliban sa kanyang pagiging maalagang ate

- Sa bawat vlog na ibinabahagi ng Happy Islanders, kadalasan ay napupuna ang pagiging mabuting ate ni Ellie Eigenmann

- Nag-iisa man siyang anak ni Andi sa dati nitong karelasyon na si Jake Ejercito, maalaga ito sa kanyang mga kapatid

- Tumutulong ito sa pag-aalagan ng iba niyang nakababatang kapatid sa kasalukuyang karelasyon ng kanyang ina

- Mayroon siyang dalawang kapatid sa ina na anak naman ng surfer na si Philamr Alipayo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga netizens ang bumilib sa pagiging maalaga ni Eliie Ejercito sa kanyang mga kapatid na sina Lilo at Koa. Madalas ay makikita itong nakikipaglaro o inaaliw ang mga nakababatang kapatid.

Ellie Ejercito, kinabiliban sa kanyang pagiging maalagang ate
Ellie and Jake Ejercito (@unoemilio)
Source: Instagram

Sa pinakabagong video na ibinahagi sa Happy Islanders YouTube channel, makikita kung paano alagaan ni Ellie ang mga kapatid. Tinuruan niya rin ang kanilang bunso kung paano bigkasin ng tama ang ilang mga salita.

Read also

Andi Eigenmann, kontento na umano sa maliit na bahay basta kasama si Philmar Alipayo

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

Ellie is a very sweet ate to her siblings. Andie taught her well. This is where i miss in the probinsya life. Fresh fish and vegetables with beautiful scenery. Love it

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ellie is such a wonderful kid. So kind and beautiful. So great with her half siblings. Ellie...if you read this...always know you are blessed. You have a kind heart. Don't let anyone take that away from you because that is what makes you even more beautiful. With what's going on right now... bashing and all...do not listen to it and do not take it to heart. You know who you are and how you are much, much loved. Just stay true to yourself because a lot of people care for you and love you. You are such a good Ate to Lilo and Koa. God bless you always.

Read also

Andi Eigenmann, pinasilip ang kanilang pamamasyal sa Siargao

Sarap tingnan pag mag kasama ang mg kakapatid na mag kakasundo,.like toro,lilo koa ellie,..tama yan i bonding ang mga bata habang maliit pa,...para pag laki mga close sila

Si Ellie Ejercito ang panganay na anak ni Andi Eigenmann sa dati nitong boyfriend na si Jake Ejercito. Matapos mapatunayan na si Jake ang tunay na ama ni Ellie, aminado si Jake na nagulat siya ngunit natuwa siya sa nalaman.

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya.

Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon.

Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi pagdating sa pagiging nanay nito sa anak nila.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel