Heart Evangelista, hindi nagpaapekto sa negatibong komento ng basher

Heart Evangelista, hindi nagpaapekto sa negatibong komento ng basher

- Umani ng samu't-saring reaksiyon si Heart Evangelista sa kanyang pagpunta sa "19th Annual Asian and American Awards" ng Unforgettable Gala na ginanap sa Beverly Hills, California

- Sa Twitter, imbes na magpaapekto ay positibo ang naging tugon ni Heart sa isang netizen na nagsabing hindi naman talaga siya imbitado sa naturang event

- Ayon sa Twitter user na ito, +1 lang umano si Heart ng reality TV star na si Kane Lim

- Sagot ni Heart, maging masaya na lang para sa lahat na nagsusumikap na maabot ng kanilang pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Minabuti ni Heart Evangelista na huwag nang patulan ang basher na nagsabing hindi naman talaga siya dapat imbitado sa "19th Annual Asian and American Awards" ng Unforgettable Gala na ginanap sa Beverly Hills, California.

Heart Evangelista, hindi nagpaapekto sa negatibong komento ng basher
Heart Evangelista, wearing a tan leather long shirt, Louis Vuitton mini skirt, blue and beige checked coat, beige boots and printed bag, during Paris Fashion Week (Photo by Claudio Lavenia)
Source: Getty Images

Ayon sa Twitter user na ito, +1 lang umano si Heart ng reality TV star na si Kane Lim. Matapos mag-viral ay burado na rin ang negatibong komento na ito.

Read also

Sarah Lahbati, pinasalamatan si Richard Gutierrez na pinayagan siyang mag-motocross

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sagot ni Heart, maging masaya na lang para sa lahat na nagsusumikap na maabot ng kanilang pangarap.

Bakit ang active ng mga bashers ngayon ? Ganito nalang let’s just all be happy for everyone striving and making their dreams come true - it’s possible!

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang suporta sa aktres:

Mars, ganyan talaga ang mga walang bilang sa mundo. Naghahanap ng reason to be relevant. Char not charrrr!
Bashers are people who are are so unhappy with themselves, they waste their precious time trying to bring people down with them into their miserable rut. Hanggang diyan na lang sila, while you are living your best life. Stay true to yourself and be happy, Heart!
Dont worry ms heart. Ganan tlg ang puno na maraming bunga. Madalas binabato.

Read also

Miss Universe Bahrain, dedma sa mga bashers: "Love you, kabayans!"

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis. Marami sa kanyang mga tagasuporta ang nag-alala matapos ibahagi ng aktres ang tungkol sa pagsasailalim niya sa operasyon dahil sa tumubong cyst sa kanyang mukha. Kamakailan ay naibahagi ni Heart ang kanyang kasiyahan sa bagong teleserye ng GMA-7 na ipapakita ang ganda ng Sorsogon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel