Jaclyn Jose, umalma sa umano'y pandadawit ni Albie Casiño sa anak niya

Jaclyn Jose, umalma sa umano'y pandadawit ni Albie Casiño sa anak niya

- Hindi na nakapagtimpi si Jaclyn Jose matapos ang naging pahayag ni Albie Casiño kaugnay sa aniya'y naramdaman niya nang makarating sa kanya ang pagdagdag ng timbang ng dating karelasyon

- Sa kanyang post sa Instagram na burado na rin sa kasalukuyan ay pinakiusapan niya si Lauren Dyogi kaugnay sa naging pahayag ni Albie

- Aniya ay hindi na dapat dinadawit ang anak niyang nanahimik at may sarili nang buhay at pamilya sa Siargao

- Dagdag pa niya, huwag umano siyang pilitin at baka maikwento niya kung paano saktan ang anak niya noon kahit buntis ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang kontrobersiyal na pahayag ni Albie Casiño kamakailan kaugnay sa kanyang saloobin nang mapag-alamang nadagdagan ng timbang ang ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann, muling naungkat ang nangyari noon.

Jaclyn Jose, umalma sa pandadawit ni Albie Casiño sa anak niya
Jaclyn Jose posing for the camera with her award. Photo from Wikimedia Commons.
Source: UGC

Ani Albie, hindi pa rin humihingi ng dispensa si Andi matapos niyang sabihing si Albie ang ama ng kanyang panganay na anak.

Read also

Ina ni Albie Casiño, nag-react ng sad emoji sa tweet tungkol sa pinagdaanan ng anak

Sa kanyang post sa Instagram na burado na rin sa kasalukuyan ay pinakiusapan niya si Lauren Dyogi kaugnay sa naging pahayag ni Albie. Aniya ay hindi na dapat dinadawit ang anak niyang nanahimik at may sarili nang buhay at pamilya sa Siargao. Dagdag pa niya, huwag umano siyang pilitin at baka maikwento niya kung paano saktan ang anak niya noon kahit buntis ito.

Matatandaang naging usap-usapan noon ang pagbubutis ni Andi nang sabihin nitong si Albie ang ama ng kanyang anak. Kinalaunan ay napatunayang si Jake Ejercito ang ama matapos makumpirma sa pamamagitan ng isang DNA test.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose ay isang Pinay actress na ginawaran ng acting awards hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibang bansa. Ilan sa pinakasumikat niyang pelikula ay Private Show, White Slavery, at Santa Juana.

Read also

K Brosas, makailang beses na naiyak habang ikinukwento ang buhay niya

Siya ang ina ni Andi Eigenmann sa batikang aktor na si Mark Gil.

Si Andi Eigenmann ay isang aktres, product endorser at movie star. Siya ngayong ay nasa Siargao kasama ang kanyang fiancé at mga anak.

Kamakailan, naging usap-usapan din ang ibinahagi ni Philmar Alipayo sa social media nang mapag-tripan niyang asarin si Andi.

Nag-viral din ang update na ibinahagi nina Philmar at Andi tungkol sa pinapatayo nilang bahay sa Siargao.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel