Rob Moya, aminadong nasaktan siya nang malamang nagkagustuhan sina Toni at Vince

Rob Moya, aminadong nasaktan siya nang malamang nagkagustuhan sina Toni at Vince

- Matapang na sinagot ni Rob Moya ang ilan sa mga kontrobersiyal na tanong sa kanya na hango sa mga pambabatikos ng bashers

- Kabilang na dito ay tungkol sa kanyang naramdaman noong natuklasan niya ang tungkol kay Toni Fowler at Vince Flores

- Ani Rob, si Toni ang pinakamatagal niyang nakarelasyon at masasabi niyang hindi talaga siya nambabae noong sila pa ni Toni

- Naging emosyonal ito habang binabalikan ang kanyang naramdaman noong panahong iyon ngunit wala na umano siyang maramdamang galit para sa dalawa na aniya ay malapit sa kanyang puso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging emosyonal si Rob Moya nang balikan niya ang kanyang naramdaman noong nalaman niyang nagkagustuhan ang babaeng kanyang minahal na si Toni Fowler na aniya ay pinakamatagal niyang nakarelasyon at si Vince Flores na parang kapatid ang kanyang turing.

Read also

Aljur Abrenica sa pagbura ng "Breaking Silence" post: "Naramdaman ko talaga na kailangan"

Rob Moya, aminadong nasaktan siya nang malamang nagkagustuhan sina Toni at Vince
Rob Moya
Source: Facebook

Sobra daw siyang nasaktan noon ngunit nilinaw niya rin na wala na siyang galit sa dalawa. Nilinaw niya rin na noong mga panahong wala siya palagi sa bahay, may mga tao lang umano siyang iniiwasan sa kanilang bahay.

Hindi umano siya nambabae. Hindi rin napigilang maiyak ni Vince habang humihingi nng dispensa kay ROb. Nilinaw din ni Vince na wala talaga siyang gusto kay Toni noong sila pa ni Rob at nahulog na lamang ang loob niya dito nang nagkaroon na ng problema.

Handa umano si Rob na suportahan sina Toni at Vince kung sakaling sila ang magkakatuluyan kagaya ng pagtanggap at pagsuporta nila sa relasyon ni Rob sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Rob, sobrang masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya dahil unti-unti nang bumabalik sa dati ang kanyang buhay.

Read also

Vlogger na si Basel Manadil, napasaya ang mga nakakasalubong lang niya sa kalye

Si Rob Moya ay isang aktor na naging karelasyon ng vlogger na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel