Wilma Doesnt, inalala ang ama: "Nung nagka-Alzheimer's siya, ako lang ang memory niya"
- Emosyonal na inalala ni Wilma Doesnt ang yumaong foster father niya noong nakaraang taon
- Ito ay matapos na maitanong sa kanya ni Ogie Diaz kung kailan ba siya huling umiyak
- Malapit si Wilma sa yumao niyang foster father gayung ito ang nagpalaki sa kanya mula pagkabata
- Kaya naman kahit na nagka-Alzheimer's ito, tanging si Wilma lang ang kanyang naaalala at nakikilala
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi napigilan ni Wilma Doesnt na maluha nang maikwento niya ang tungkol sa kanyang foster father na yumao noong nakaraang taon.
Ito ay matapos na maitanong sa kanya ni Ogie Diaz kung kailan nga ba siya huling umiyak.
"Last year, namatay ang tatay ko. 'Yun yung talagang ano, naiyak na naman ako. 'Pag tatay ko, naiyak talaga ako," bungad ni Wilma.
Doon na niya naikwento na ang tatay na tinutukoy niya ay ang umampon at nagpalaki sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Binata pa lang siya, binigay na ako sa kanya. Siya ang nagpalaki sa akin. Kaya ganito ang pagkatao ko, matapang ako, loka-loka ako because mahirap siya, binata siya kinuha niya ako kasama ng buong pamilya niya"
Sa tindi umano ng pagmamahal sa kanya ng kanyang ama, nang magka-Alzheimer's ito, si Wilma lamang ang naaalala at nakikilala nito.
"So nung nagka-Alzheimer's siya, 'yung memory niya ako lang natira. Nung namatay ang nanay ko hindi niya ma-figure out na nanay ko 'yong nakahiga doon so ang sakit sakit sa akin 'di ba?"
Kaya namang hanggang ngayon, aminado si Wilma na sa tuwing maaalala ang kanyang ama, tutulo na lamang ang kanyang luha.
"Noong namatay siya, exit lang siya gracefully, hindi niya ako pinahirapan. So 'pag naaalala ko siya naiiyak ako hanggang ngayon."
Labis din ang panghihinayang ni Wilma na hindi na naabutan ng kanyang "daddy" ang restaurant nila na "Chicks ni Otit". Tiyak daw na masaya ito dahil sa tagumpay nila.
Gayunpaman, baon-baon pa rin ni Wilma ang mga pangaral sa kanya ng ama na siyang pinanghahawakan niya ngayon sa buhay.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Wilma na mapapanood sa YouTube channel ni Ogie Diaz:
Si Wilma Doesnt ay isang kilalang komedyante at aktres sa Pilipinas. Ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Sisterakas (2012), Beauty and the Bestie (2015) at Magikland (2020).
Nito lamang Hulyo, masaya nilang inanunsyo ng kanyang nobyo na si Gerick Livelo Parin ang kanilang engagement. Natuwa ang mga netizens lalo na nang sabihin niyang 'forever' na siyang Doesnt dahil sa oras na sila'y ikasal ng nobyo, "Wilma Doesnt Parin" ang kanyang pangalan.
Bahagi rin ng interview kay Wilma ni Ogie Diaz ang kahanga-hanga niyang pagtanggap ng mga empleyadong PWD at dating palaboy na ngayo'y may disenteng hanapbuhay dahil sa kanya.
Source: KAMI.com.gh