Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

- Naibunyag ni Wilbert Tolentino na niregaluhan niya ng house and lot ang kanyang alaga na si Madam Inutz

- Ito ay matapos na makatanggap ng mga bash na sinasabing 'ginamit' lamang ni Wilbert si Madam Inutz

- Ito raw ang motivation niya kay Madam Inutz sa pagpasok nito sa bahay ni kuya bilang official housemate

- Mapapanood ito sa kanilang mga YouTube channel sa mga susunod na araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naisiwalat ni Wilbert Tolentino na niregaluhan pala niya ng house and lot ang kanyang sikat na alaga ngayon na si Madam Inutz.

Nalaman ng KAMI na naikwento ito ni Wilbert sa YouTube channel ni Mama Loi matapos na makatanggap ng mga umano'y bash na nagsasabing ginagamit lamang umano niya ang kasikatan ngayon ng nag-viral na online seller.

"Kung sino mang nag-bash dito gusto ko lang i-share at FYI lang... Binigyan ko ng bahay at lupa si Madam Inutz"

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"
Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Photo: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Sinabi rin iyang 88 square meter ang laki ng bahay na kanyang ipapaayos at gagawing tatlong palapag para sa pamilya ni Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito rin ang 'motivation' ni Wilbert kay Madam Inutz sa pagpasok nito sa Pinoy Big Brother bilang isa sa mga celebrity housemates ngayong season 10.

Ibabahagi rin nila ang update ng pagpapagawa nila at pagpapaayos ng bahay ni Madam Inutz sa kani-kanilang YouTube channel.

Si Wilbert Tolentino ay isang Chinese-Filipino na negosyante sa bansa. Makikita ang kanyang pagiging philanthropist sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Isa rin siyang talent manager ng ilang mga vloggers at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito.

Ipinapaala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng kani-kanilang komento at opinyon, lagi pa rin nating isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel