Super Tekla, umani ng papuri matapos palagpasin ang dinanas na pamamahiya sa kanya

Super Tekla, umani ng papuri matapos palagpasin ang dinanas na pamamahiya sa kanya

- Inilabas ni Super Tekla ang kanyang saloobin sa social media kaugnay sa kanyang dinanas sa isang convenient store

- Matapos niya umanong magbayad ng kanyang pinamili, pinagbintangan siya ng saleslady na may kinuha siyang ibang item na hindi niya binayaran

- Napahiya umano siya dahil maraming tao ang naroroon nmang harangin siya at kapkapan ngunit wala namang nakita sa kanya

- Kahit napahiya, minabuti ni Tekla na patawarin na lamang ang saleslady matapos itong humingi ng dispensa sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilan ni Super Tekla na ibahagi ang pagkapahiya niya matapos siyang pigilan at kapkapan sa isang convenient store. Aniya, matapos niyang magbayad ng kanyang pinamili ay sinabi ng isang saleslady na harangin siya dahil may kinuha daw siyang isang item.

Super Tekla, napagkamalang magnanakaw sa isang convenient store
Photo from SuperTeklah Librada
Source: Facebook

Ani Tekla, maaring mayroon itong pamilya na umaasa sa kanya kaya mas pinili na lamang niyang magpatawad.

Read also

Mura Padua, dinagsa ng kanyang mga fans sa kanilang bahay

Kwento pa ni Tekla, walang nakuha sa kanya matapos siyang kapkapan at nang ibaba niya ang kanyang mask, nakilala siya ng saleslady. Umiyak umano ito at humingi ng dispensa sa kanya. Kahit napahiya, minabuti ni Tekla na patawarin na lamang ang saleslady matapos itong humingi ng dispensa sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, marami naman ang humanga sa komedyante sa pagpapatawad nito.

Tama un good side parin ang paiiralin kht nasa tama pa man tau. Always remember na c Kristo man ay ngpakababa din bagamat Siyay Dios.
Ganun nalang po lodz atleast ikaw hndi ka naging masama sa kanya keep it up lodi
Godbless super tekla.. Kaya love2 ka namin dito sa bacolod ng mga frnd kong bakla kc mabait ka at my unawa sa iba

Si Super Tekla ay isa sa mga sikat na komedyante ng Kapuso network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' kung saan katambal niya si Boobay at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Matatandaang matapos magsalita ng ilang tao na malapit kay Tekla tungkol sa akusasyon ng dating kinakasama, naglabas ng kanyang panig ang komedyante. Pinasinungalingan nito ang paratang ni Michelle.

Naibahagi rin ni Super Tekla ang kaganapan sa binyag ng anak niyang si Baby Angelo.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa. Hangad namin di sa KAMI na maayos na kung mayroon mang hindi pagkakaunawaan sa kanila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel