“Hindi kami hiwalay” – Ser Geybin, nagsalita sa gitna ng mga espekulasyon online
- Nilinaw ni Ser Geybin sa kanyang vlog na si Ayra ay kaibigan lamang at alam ni Mam Elma ang kanilang pagkakaibigan, matapos kumalat ang mga espekulasyon tungkol sa umano’y third party sa kanilang relasyon
- Trending sa social media platforms na Threads at X ang pangalan ni Ser Geybin matapos akusahan ng cheating, na umano’y dahilan ng kanyang depresyon at anxiety attacks ayon sa ilang netizens
- May mga nagsasabing hiwalay na umano sina Ser Geybin at Mam Elma, ngunit itinanggi ito ng content creator at sinabing hindi sila naghiwalay, bagkus ay patuloy ang kanilang relasyon at suporta sa isa’t isa
- Matatandaang kamakailan lamang ay isinugod sa ospital si Ser Geybin dahil sa health scare, na ayon kay Mam Elma ay dulot ng bigat ng responsibilidad at pressure na pasan ng content creator matapos pumanaw ang kanilang ama
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Mainit na usapan sa social media ang pangalan ni Gavin Capinpin o mas kilala bilang Ser Geybin matapos akusahan ng cheating sa relasyon nila ng longtime partner na si Elma Asagra o Mam Elma. Sa kanyang pinakabagong vlog, nilinaw ni Ser Geybin ang mga kumakalat na tsismis at sinabing “Si Ayra tropa po yun”, patunay na kaibigan lamang ang tinutukoy at walang kinalaman sa kanilang relasyon.

Source: Facebook
Ayon kay Ser Geybin, hindi sila hiwalay ni Mam Elma at alam ng kanyang partner ang tungkol sa pagkakaibigan nila ni Ayra. Gayunman, patuloy na nag-trending ang mga pangalan nilang dalawa sa Threads at X, kung saan maraming netizens ang naglabas ng umano’y resibo na nakitang may ibang babae si Ser Geybin habang nasa ibang bansa.
May mga nagsasabi pa na matagal nang hiwalay ang dalawa dahil sa isyu ng third party. Mas lalong uminit ang intriga nang may netizen na nagpakalat ng kwento na umano’y ginastusan ni Ser Geybin ang kabit, binilhan ng bahay, kotse, at luho, at may koneksyon pa umano sa isang pamilya ng politiko sa La Union.
Sa kabila ng mga espekulasyon, nanindigan si Ser Geybin na walang hiwalayan na naganap at patuloy ang kanilang relasyon. Matatandaang kamakailan lamang ay isinugod siya sa ospital matapos makaranas ng matinding anxiety attack. Ayon kay Mam Elma, isa sa mabigat na responsibilidad na pasan ng content creator ay ang pagiging haligi ng kanilang pamilya matapos pumanaw ang kanilang ama na si Peddy Capinpin.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa ni Mam Elma, bukod sa pressure ng pagiging breadwinner, naaapektuhan din si Ser Geybin ng mga tanong at expectations ng publiko tungkol sa kanilang relasyon at posibilidad ng kasal. Gayunman, pinatatag ni Mam Elma ang kanyang partner sa pamamagitan ng paalala na marami silang napapasaya sa kanilang mga vlog at handa silang maghintay hanggang sa tuluyan itong makarekober.
Sa huli, nanawagan ang Capinpin Brothers na ipagdasal si Ser Geybin at nangakong patuloy silang gagawa ng content para sa kanilang mga followers.
Sa isang ulat ng Kami.com.ph, pansamantalang magpapahinga si Ser Geybin matapos isugod sa ospital dahil sa health scare. Ayon sa kanyang pamilya, kailangan niyang maglaan ng oras para sa recovery bago muling bumalik sa paggawa ng content.
Samantala, iniulat din ng Kami.com.ph na ibinahagi ni Mam Elma ang bigat na pasan ni Ser Geybin matapos pumanaw ang kanilang ama. Ayon kay Elma, malaking hamon ang pagiging haligi ng pamilya para kay Ser Geybin, na nagdulot ng matinding pressure at emosyonal na pasanin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

