Rosmar Tan, nagsalita sa reklamo ng pamilya ng yumaong staff
- Naglabas ng mahabang post si Rosmar Tan sa Facebook matapos ireklamo ng pamilya ng yumaong staff sa DOLE
- Ipinunto niya na may health problems ang empleyado bago pa man muling nagtrabaho sa kanya, kabilang ang kondisyon sa puso at baga
- Binahagi ni Rosmar na nag-abot siya ng abuloy at nag-isip pa kung paano matutulungan ang pamilya sa pag-uwi ng katawan sa probinsya
- Matapang niyang sinabi na sa susunod ay mas hihigpitan na niya ang medical requirements sa mga aplikante upang maiwasan ang ganitong sitwasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay ng matinding pahayag si Rosmar Tan sa kanyang Facebook account matapos ireklamo ng pamilya ng isang yumaong staff sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon sa kanya, hindi dapat siya sisihin sa pagkamatay ng empleyado dahil may matagal nang problema ito sa puso at baga.

Source: Instagram
Sa kanyang post, diretsahan niyang sinabi: “May staff ako na namatay dahil sa may problema ang puso mataba daw ata heart at may prob din sa lungs during his day off sya nawala. Nag abot ako ng abuloy. Kahit nag awol sya sakin before tapos nakiusap ng trabaho kaya tinanggap ko ulit.”
Dagdag pa ni Rosmar, tatlong buwan pa lamang muling nagtrabaho sa kanya ang naturang staff at kumpleto ang benepisyo at minimum ang sahod. Ngunit sa kabila nito, reklamo pa rin ang natanggap niya mula sa pamilya. “Bakit sakin nyo isisisi ang health problem ng kapatid nyo kung in the first place kayo ang pamilya na sana iniintindi nyo health prob ng kapatid nyo?”
Ibinahagi rin niya na nag-isip siya kung paano matutulungan ang pamilya na maiuwi ang katawan sa probinsya, na may limang oras na biyahe. Ngunit nakakalungkot umano na reklamo ang naging kapalit. “Nakakalungkot. Kaya sa susunod talaga mag higpit na ako sa requirements ng mga mag apply. Una medical talaga. Baka ako na naman masisi sa dulo.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay Rosmar, mabilis siyang mag-hire ng mga staff dahil sa kanyang malasakit at pagbibigay ng oportunidad. “Sa totoo lang ung mga staff ko? Sabihin lang nila na may bayaw sila, kamag anak need din work. Go agad ako.” Ngunit sa nangyaring insidente, mas magiging mahigpit na umano siya sa proseso upang maiwasan ang ganitong sitwasyon.
Si Rosmar Tan ay kilalang online personality at negosyante na may milyon-milyong followers sa social media. Kilala siya sa kanyang prangkang mga pahayag at viral posts na madalas nagiging sentro ng diskusyon online. Sa kabila ng mga kontrobersya, nananatili siyang palaban at bukas sa pagbabahagi ng kanyang personal na karanasan bilang employer at influencer.
Kamakailan, naging usap-usapan din si Rosmar matapos sagutin ang umano’y “ew” comment ng isang aktres. Sa ulat ng Kami.com.ph, matapang niyang tinawag na “starlet” ang aktres at ipinunto na mas marami siyang exposure at mas kilala ng publiko. Rosmar Tan sinagot ang umano’y ‘ew’ comment ng aktres.
Bukod dito, naglabas din siya ng palaban na sagot sa mga bashers na kumukuwestiyon sa kanyang lumang larawan. Sa parehong ulat ng Kami.com.ph, sinabi niyang mas mahalaga ang masayang pamilya, edukasyon, at mabuting puso kaysa sa panlabas na anyo. “Laitin nyo ako” – Rosmar Tan, palaban na sagot sa bashers.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

